top of page

Daniel, no show… ROBIN, IPINATAWAG ANG MGA CO-STARS PARA SA EDDIE GARCIA BILL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 20, 2023


Tinipon ni Senator Robinhood “Robin” Padilla ang mga kasamahang artista sa entertainment industry sa isang pagpupulong para sa pag-aamyenda ng Eddie Garcia Bill.


Ang Eddie Garcia Bill ay naglalayong makapagbigay sa mga manggagawa sa entertainment industry ng oportunidad na magkaroon ng disenteng trabaho at kita at maprotektahan sila sa pang-aabuso, harassment, hazardous working conditions and economic exploitation.


Naipasa na ang bill na ito sa Kongreso sa pangunguna ng former child star at Pangasinan District 4 representative na si Toff De Venecia.


Dumating ang mga veteran stars, action stars, former leading ladies, character actors at direktor sa ipinatawag ni Sen. Robin na pagtitipon.


Base sa mga larawang ipinost ng misis ni Sen. Robin na si Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram account, halos kumpleto ang mga kilalang showbiz families.


Una na riyan ang Padilla clan, Gutierrez family at ang Revilla-Bautista dynasty.


Missing in action sa Padilla clan ang pinakasikat sa hanay ng mga batang henerasyon sa kanilang pamilya, ang anak nina Rommel Padilla at Karla Estrada na si Daniel Padilla.


Pansin nga ng mga netizens, walang nakita sa IG post ni Mariel na larawan ng young generation of stars sa pagtitipon na ipinatawag ni Sen. Robin.


Caption ni Mariel sa kanyang IG post, “When the stars align kosmos. Thank you so much @robinhoodpadilla @senatorrobinpadilla it is about time the entertainment industry have some form of protection #EddieGarcia Bill thank you @niceprintphoto for capturing the moments as always.”


Naghayag naman ng kanilang mensahe sa comment section ng IG post ni Mariel ang mga artistang ‘di nakadalo sa pagtitipon gaya nina Toni Gonzaga at Bela Padilla.

Say ni Toni, “Thank you, Sen. Robin!!"


Comment naman ni Bela, “Long overdue! Finally. Rights and equity for writers next please!!!”


Sa naturang event ay nakarating din ang bida ng Kapamilya action-series na FPJ’s B

atang Quiapo na si Coco Martin.


Level na level na ang datingan ni Coco habang katabi sina Sen. Robin, Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador sa picture na ipinost ni Mariel.


Bonggabels kapag gumawa silang apat na magkakasama sa isang action movie na mala-Expendables. Bagama't may balitang gagawa ng pelikula na magkasama ang dalawang magigiting na senador from the movie industry, sina Robin and Bong.


“Ang galing ni Coco. Siya ang new generation ng action star. Tapos na sina Bong Revilla, Robin, Philip S.,” komento ng isang netizen.


Baka nga bago pa magka-pelikula si Coco with Sen. Robin and/or Sen. Bong, malamang na imbitahan na niya ang mga ito na mag-guest appearance sa kanyang serye na Batang Quiapo.


Bukod kay Coco, napansin din ng isang netizen ang isa sa mga kasama sa group photo ng showbiz luminaries, walang iba kundi si Direk Joyce Bernal.


Bago pa man na-identify si Direk Joyce kay Piolo Pascual, naging malapit muna ang Box Office Director kay Sen. Robin.


Sabi ng netizen, “Si Direk Bb. Joyce Bernal, nasa center, naka-sweater. Napa'no po s'ya? Ang laki ng ipinayat niya po. Napansin ko lang, sorry, ha, kasi 'di naman siya ganyan dati...”


Oo nga, 'anyare kaya kay Direk Joyce?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page