ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 28, 2024
Pati sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sumabak na rin sa viral Maybe This Time dance challenge sa TikTok.
Marami ang natuwa sa pa-ayuda ng dalawa sa mga KathDen (Kathryn at Alden) fans na laging naghahanap ng pakilig mula sa kanila.
May mga nabitin at humihingi pa ng more ayuda, kahit daw hindi na sila magsayaw at kahit hindi magsalita, basta makita lang silang magkasama. May mga nag-comment na nakangiti siya habang pinapanood ang TikTok ng dalawa.
Hindi lang maiwasan ang mga bashers, kailangan daw mag-ingay at magpapansin nina Alden at Kathryn dahil may pelikula sila.
May inisa-isa pa ang ganap ng dalawa at sigurado raw na may iba pang ganap silang gagawin na agad sinagot ng mga netizens.
Natural daw na mag-ingay at magpapansin sina Alden at Kathryn dahil may ipino-promote silang movie. Alangan naman daw na iasa na lang lahat sa mga fans at hindi na sila kikilos at hindi gagawa ng promo lalo na at sa November 13, 2024 na ang showing ng Hello, Love, Again (HLA).
Tanong nga ng mga casual fans, ano raw ang ikinagagalit ng bashers kina Alden at Kathryn at lahat na lang ay pinapansin nila at nega pa ang dating?
Ang suhestiyon nito, kung ayaw niya sa dalawa, ‘wag niyang panoorin ang TikTok, ‘wag i-view ang teaser para hindi na madagdagan ang 18.6 million views.
Ganu’n na karami ang total views ng teaser in 24 hours after its release across official platforms.
Paano ‘yan at magsisimula na rin silang mag-promote ng HLA at may mall show na nga sa October 5?
Baka nga mag-guest pa sa GMA shows si Kathryn dahil collab ng Star Cinema at GMA Pictures ang movie, kaya mas marami ang maha-highblood nito.
Comments