top of page
Search
BULGAR

Daniel at Bea, sey n'yo? KATHRYN AT DOMINIC, SABAY NA NAMAN SA SKIN CLINIC, TWINNING PA ANG SUOT

ni Nitz Miralles @Bida  | July 2, 2024



Showbiz News

Nagkasabay na naman sina Kathryn Bernardo at Dominic Roque sa pagpunta sa Aivee Clinic for their skin maintenance and facial treatment. Twinning pa ang dalawa na parehong naka-white and all-smiles sa pagpasok pa lang sa clinic.


Kahit sinabi na ni Dominic na magkaibigan lang sila ni Kathryn at “Bro” pa nga ang tawag sa kanya, hindi pa rin maiwasang may mag-isip na baka in the end, silang dalawa ang endgame. Hindi raw imposible ito dahil ang ibang relasyon ay nagsisimula sa friendship.


Mas dumarami ang nagsi-ship kina Kathryn at Dominic, kinikilig sila kapag spotted ang dalawa. Ang hindi lang maganda, may idinadamay ang mga fans na walang kinalaman kina Kathryn at Dominic. Okey nang sabihing mas preferred nila si Dominic para kay Kathryn, pero ang i-bash si Alden Richards, sobrang foul.


Anyway, curious lang ang mga fans kung tsinetsek ba muna nina Kathryn at Dominic ang treatment schedule nina Bea Alonzo at Daniel Padilla na parehong Aivee babies din para hindi sila magkakasabay and vice-versa? 


 

Nu’ng June 15 pa ang birthday ni David Licauco, pero hanggang June 30 ay nagse-celebrate pa rin siya kasama ang mga fans. 


Iba’t ibang grupo ng kanyang mga fans ang nagse-celebrate ng 30th birthday ng aktor, kaya marami siyang celebrations.


Kahit busy, nagse-set ng time ang leading man ni Barbie Forteza sa movie na That Kind of Love (TKOL) at sa GMA-7 series na Pulang Araw para makasama ang mga fans.

Pasasalamat ito ni David sa suporta sa kanila ni Barbie.


Nangako pala ang mga fans ni David at ng BarDa (David at Barbie) na susuportahan ang TKOL sa premiere night pa lang sa July 4 at sa regular showing na magsisimula sa July 10. 


Gusto nilang maging box-office success ang Pocket Media Films at Happy Infinite Productions movie sa direction ni Catherine Camarillo para muling masundan. Ayaw nilang isipin ng ibang fandom na hype lang ang BarDa love team.


Kaya kahit may Jak Roberto na si Barbie at inamin na rin ni David na may girlfriend siya, susuportahan pa rin nila ang TKOL pati na ang Pulang Araw.


 

Mabilis na umaksiyon ang Aguila Entertainment, ang management ni Dennis Trillo, at ipinaalam na na-hack ang TikTok account ng aktor at hindi siya ang sumagot ng “May ABS-CBN pa ba?” sa tanong ng isang fan na “Kuya Dennis, sana masagot mo ito. Bakit wala si Ma’am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABS-CBN?”


Paglilinaw ni Jan Enriquez ng Aguila Entertainment, “We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis ‘yun. He is currently taping for Pulang Araw and has limited access to his phone as per his PA (personal assistant). We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident.”


Sabi naman ni Katrina Aguila ng Aguila Entertainment pa rin, “Hey guys, how to

recover a hacked account on Tiktok? Anyone who can help, please DM (message) me.”


May ayaw maniwalang hindi si Dennis ang sumagot sa tanong tungkol kay Jennylyn, pero kung babasahin ang iba pang comments sa TikTok ng aktor, malalaman mong hindi siya ang sumasagot sa mga fans.


May nagtanong kung management decision ba ang pagde-delete niya ng original comment niya na sagot sa nagtanong na fan kung lilipat ba sa ABS-CBN si Jennylyn.


Inulit nito ang sagot at comment na “Oo, eto ulit, oh, may ABS pa ba?”

By now, nakarating na tiyak kay Dennis ang iniisyu sa kanya at dahil sa isyung ito, nagbabardagulan na naman online ang Kapamilya at Kapuso fans. Galit kay Dennis ang


Kapamilya fans at ipinagtatanggol siya ng mga Kapuso fans at hindi matatapos ang isyung ito hanggang sa premiere ng Pulang Araw.


Pero, maganda pa rin kung magsasalita si Dennis Trillo at pakinggan natin ang kanyang side. Hindi mahilig sa controversy ang aktor at nagtatrabaho lang ito, pero heto at nilapitan siya ng isyu na dahilan din para siya ay ma-bash. 



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page