ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 11, 2024
Photo: Julie Anne San Jose IG / Viral / Circulated
Dapat ding magpaliwanag ang mga organizers ng simbahang nag-imbita kay Julie Anne San Jose. Kawawa kasi ang aktres/host/singer na nakatanggap ng matinding bashing dahil lang sa nag-perform siya as guest sa loob ng isang church sa Occidental Mindoro.
Pa-concert ‘yun ng naturang church na may layuning ipa-rehabilitate ang simbahan.
Sa saliw ng Dancing Queen (DQ) na kanta at sayaw, humataw siyempre ang magaling na performer na si Julie Anne, suot ang isang gown na sleeveless, kaya’t nakikita ang makinis nitong kilikili.
Sa mga konserbatibo, masyado raw itong ‘bulgar’ at hindi bumagay sa background nitong altar at puro mga rebultong santo.
Nakakaloka pero ano nga ba ang tamang protocol sa panahong pinapayagan ng simbahan na makagawa ng ganu’ng seremonya sa loob mismo ng kanilang pook-dalanginan?
Performer si Julie Anne at kung hiningan siya ng line-up ng mga kanta, eh, bakit inaprubahan ang Dancing Queen?
Ipaliwanag dapat iyan ng mga organizers na nag-imbita para naman ang mga ipokritang bashers ay hindi pagpiyestahan at isesentro ang pintas at puna kay Julie Anne.
Samantala, naglabas na ng statement ang Sparkle Artist ng GMA-7 at humingi sila ng apology sa mga parishioners na nasaktan ang religious beliefs.
But still, dapat ang mga organizers ang magpaliwanag.
SA tatlong huling projects na inaprubahan ng yumaong si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, una na ngang ipapalabas ang Guilty Pleasure (GP).
Sexy drama with a twist ang plot ng movie na pinagbibidahan ni Lovi Poe.
Sa role niyang defense lawyer, mai-involve siya sa karakter nina JM de Guzman at Jameson Blake.
“Both,” sagot ni Lovi sa kung sino ang pipiliin niya sa dalawang leading men na magkaiba ang tikas at husay.
Kapag daw feel mo ang mas may mature outlook, pasok na pasok daw ang karisma ng morenong si JM. Pero kapag naughty type raw ang hanap mo, swak ang tisoy na si Jameson.
Base sa trailer ng movie, pang-adult ang tema ng GP. Bold, daring at mature nga ang batuhan ng mga linya at eksena.
This is directed by our college classmate na si Connie Macatuno na ang hilig-hilig tumalakay sa mga directorial projects niya ng mga isyu tungkol sa liberal, smart and palaban na mga babae.
Showing na ang GP sa mga sinehan ngayong October 16.
JOIN na rin bilang resident artist ng Viva Artist Agency (VAA) si Celeste Cortesi, ang Ms. Phil-Universe na negosyante na rin ngayon.
“I want to explore further. I’d love to do action projects and I heard Viva has this good reputation of building up careers of beauty queens, plus I feel that they can help me with my lip care business,” bahagi ng sagot ng maganda at matangkad na beauty queen, kung bakit lumipat siya sa VAA mula sa Sparkle ng GMA-7.
Mula sa mga beauty titlists na sumikat sa Viva gaya nina Charlene Gonzales, Anjanette Abayari, Dindi Gallardo, Kylie Verzosa at Cindy Miranda, dream din ni Celeste na magmarka hindi lang bilang isang maganda at sexy, kundi bilang aktres and yes, an action star.
Samantala, ishinare rin niya ang status ng kanyang puso.
“I just broke up. We ended our four-year relationship. Sad, but that’s life. Moving on and forward should take place and I am here, focusing my sight on my career and business. Ako na ang bahala sa Tagalog ko,” kuwento ni Celeste sa tanong namin sa lagay ng puso niya at sa pag-aaral niya ng Tagalog, hahaha!
Welcome to VAA, Celeste Cortesi!
Comments