Daming mahihirap na pamilyang Pinoy, lalong naghirap sa Marcos admin
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 14, 2025

52% MAHIRAP NA PAMILYANG PINOY, LALONG NAGHIRAP SA MARCOS ADMINISTRATION -- Sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) ay 52% ng pamilyang Pilipino ang nagsabi na itinuturing nila ang kanilang mga sarili na sila ay mahirap.
Sa totoo lang, ang mga pamilyang iyan na nagsabi na sila ay nananatiling mahihirap ay sila iyong mga bumoto kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM) noong 2022 presidential election sa pag-aakala na ito ang magbibigay ginhawa sa kanilang pamumuhay, iyon pala ay hindi dahil mas lalo silang naghirap, period!
XXX
PARANG KUMUHA NG MGA BATONG IPINUKPOK SA KANILANG MGA ULO ANG 52% NA MAHIHIRAP NA PAMILYANG PINOY NA BUMOTO KAY PBBM -- Buong akala ng 52% pamilyang Pinoy na totoo ang mga sinasabi ng noo’y Bongbong Marcos (BBM) na iaahon niya sa kahirapan ang mga maralitang pamilya, iyon pala ay fake news ang mga pinagsasabi nito.
Dahil nga nananatiling mahihirap ang 52% na pamilyang Pinoy na ito, ngayon nila napagtanto na para silang kumuha ng bato na ipinukpok nila sa kanilang mga ulo sa pagboto kay PBBM, boom!
XXX
NAKALULUNGKOT ISIPIN ANG NANGYAYARI SA ‘PINAS, MGA PARTYLIST NG MGA POLITICAL DYNASTY PATULOY NA NAMAMAYAGPAG SA MGA SURVEY -- Sa mga survey patungkol sa mga partylist ay namamayagpag ang partylist ng mga political dynasty o “Kamag-anak Inc.” at nangungulelat naman ang mga partylist ng mga marginalized sector.
Iyan ang nakalulungkot na nangyayari sa ‘Pinas, mas gustong iboto ang partylist ng mga magkakapamilyang pulitiko kaysa sa mga totoong partylist na magri-represent sa mga sektor ng mga magsasaka, manggagawa, mangingisda, katutubo at tsuper, tsk!
XXX
KUNG TOTOO ANG SINABI NI PBBM NA TODO-SUPORTA SIYA SA MGA MAGSASAKA, DAPAT GAWING IPAWALANG-BISA ANG ‘RICE TARIFFICATION LAW’ -- Sa pagbisita ni PBBM sa Sarangani ay ipinangako niya ang todong suporta ng Marcos administration sa mga magsasaka.
Maituturing na pang-uunggoy sa mga magsasaka ang sinabing ito ni PBBM kasi kung gusto niya talagang makapagbigay ng todong suporta sa mga magsasaka, ang dapat niyang gawin ay ipawalang-bisa ang Rice Tariffication Law at itigil na ang pag-aangkat ng mga imported rice, period!
Comentários