nina Mabel Vieron at Jenny Rose Albason @World News | July 17, 2023
Mayroong bagong planeta na malahiganteng salamin ang hitsura at napakainit ng temperatura ang nadiskubre ng mga nagsasaliksik sa loob ng ating galaxy.
Ayon sa ulat ng Next Now, sinabing pinangalanang LTT9779b ang planeta, na nag-o-orbit sa isang star kada 19 oras na mas malaki nang bahagya sa Neptune. May layo itong 264 light years mula sa Earth, na halos limang beses ang laki sa ating mundo.
May temperatura itong umaabot sa 1,800 Celsius, o mas mainit pa sa molten lava.
Base sa James Webb Space Telescope, napalilibutan ang LTT9779b ng mala-metal na ulap na binubuo ng titanium at silicates. 80 percent umano ng ilaw ang nagre-reflect sa atmosphere ng planeta kaya tila isa itong higanteng salamin. Ito umano ang itinuturing na "most reflective object" sa universe ngayon.
Comentários