top of page
Search
BULGAR

Damang-dama ang Pasko sa tindi ng trapik

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 18, 2022


Ngayong Kapaskuhan ay kaliwa’t kanan ang party, reunion at mga kitaan, at siguradong may kasamang kainan.


Kung kaya’t naglabas ng panawagan ang Philippine Heart Association (PHA) na maghinay-hinay sa kinakain at iniinom ngayong Kapaskuhan, lalo na sa pagkain ng matataba at pag-inom ng alcoholic drinks.


Ayon sa kanila, isa itong rason sa pagdami ng kaso ng mga itinatakbo sa ospital ngayong holiday season.


Sa ating parte naman ay muli tayong naghain ng panukala upang ipagbawal ang paggamit ng trans-fatty acids at partially hydrogenated oil sa ating food supply. Makikita ito sa ilang mga pagkain, kasama na ang pinirito, processed at fast food.


Isa ang trans-fat sa mga nagpapataas ng low density cholesterol o LDL sa ating katawan, na maaaring maging sanhi ng pagbara ng ating mga ugat at magdulot naman ng iba’t ibang kondisyon, tulad ng heart attack o stroke.


☻☻☻


Kasabay ng mga kitaan at gift shopping ay lalo pang bumigat ang nararanasang traffic ng ating mga kababayan, lalo na sa Kamaynilaan at iba pang urban centers.


Isang malaking sakit sa ulo ito ng mga commuter, lalo na at dagdagan pa ng kakulangan ng abot-kayang public transportation options.


Matatandaan din na nag-viral ang karanasan ng mamahayag na galing abroad, na kung saan sinabi niya kung ano ang sitwasyon ng transportation system ng bansa.


Mag-scroll ka lang sa iyong social media feeds at siguradong hindi ka mawawalan ng “horror stories” tungkol sa commuting, lalo na ngayong holiday season.


Kung kaya’t marami sa ating mga kababayan ang dumidiskarte na lang upang makarating sa kanilang paroroonan.


☻☻☻


Matagal na nating pinupunto ito sa awtoridad, lalo na’t dumarami na ulit ang mga pumapasok sa kanilang mga opisina, paaralan, pagawaan at iba pang lugar.


Bagama’t may mga transportation projects, tulad ng Metro Manila subway ang ating mga kababayan ay aabutin pa ng ilang taon bago ito magamit.


Isa rin tayo sa mga sumuporta sa mga alternative at active transportation options upang mabigyang-solusyon ang ating mobility issues.


☻☻☻


Mula sa Pamilya Binay, isang ligtas at may liwanag na Pasko po sa ating lahat!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBin

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page