ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 15, 2020
Naranasan sa ilang parte ng bansa ang pananalasa ng Bagyong Ulysses at ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nakadagdag sa matinding pagbaha ang pagpapakawala ng tubig ng 6 na dam.
Sa security briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte, aniya, "I think we will propose na in times of calamities and typhoon, dapat merong nagkokontrol diyan. Sino, kailan bubuksan ang dam.
"Dapat, before the bagyo, puwede na tayong magbukas lalo na kung meron tayong forecast kung gaano kalaki ‘yung ulan na darating.” Nais din ni Año na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang magdedesisyon kung kailan na maaaring buksan ang mga dam.
Aniya, "I will propose na pag-usapan namin sa NDRRMC na sa times ng calamity o typhoon, ang NDRRMC ang magbibigay ng approval kung kailan puwedeng magbukas, ilang gate, para controlled natin.
"‘Yan ang sinasabi ng ating mga LGUs, katulad sa Region IV, III at NCR na nakadagdag talaga ng pagbaha ang pagbubukas ng dam.”
Comments