ni Mai Ancheta @News | Feb. 15, 2025
![Sen. Ronald Bato Dela Rosa at Akbayan Rep. Perci Cendaña - FB](https://static.wixstatic.com/media/7c92fa_2420b66b8abd4c598f1520386090be2d~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/7c92fa_2420b66b8abd4c598f1520386090be2d~mv2.jpg)
Photto: Circulated / Contributed / San Jose Del Monte Pol.
Patay na nang matagpuan ang isang 16-anyos na babae na ilang araw nang nawawala matapos makita ang isang maletang palutang-lutang sa ilog sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Huwebes na pinaglagyan sa biktima.
Ayon sa San Jose del Monte Police, ang bangkay ng dalagita ay isinilid sa maleta at nakita ng ilang residente sa Sapang Alat River ng nabanggit na bayan kaya agad na ipinagbigay-alam sa mga otoridad.
Tumambad ang halos naaagnas nang bangkay ng dalagita na pilit pinagkasya sa maleta ng hindi pa nakikilalang salarin.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na noong February 7, 2025 huling nakita ang biktima matapos umanong magpaalam sa pamilya na pupunta sa kaibigang nanghingi ng tulong sa kanya dahil binubugbog umano ng kanyang asawa.
Makalipas ang tatlong araw ay ini-report ng pamilya ng dalagita ang pagkawala nito at hinanap na rin sa iba't ibang lugar na maaaring puntahan nito.
Mayroon ng dalawang persons of interest ang mga otoridad at patuloy ang imbestigasyon sa nabanggit na krimen.
Comments