ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Nov. 3, 2024
KATANUNGAN
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang ipabasa ang birthday namin ng boyfriend ko, gayundin ang guhit ng aking palad. Maestro, may chance ba na kami na ang magkatuluyan? Ang birthday ng boyfriend ko ay October 29, 1993, habang July 7, 1995 naman ang birthday ko.
Sa ngayon, nasa ibang bansa siya, kahit na long distance ang relasyon namin ngayon, wala naman kaming nagiging problema at balak na sana namin magpakasal sa susunod na taon. Kung sakaling matutuloy ang plano naming pag-iisang dibdib, magiging successful kaya ang itatayo naming pamilya?
KASAGUTAN
Iisa lang naman ang malinaw, makapal at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung matagal na kayong mag-on at masaya naman kayong sa pinagsasaluhan n’yong pagmamahalan, kahit na nasa abroad pa ang boyfriend mo, malamang na siya na nga ang makakatuluyan mo, dahil ang edad mong 29 sa kasalukuyan ay nagsasabing pang-asawa na ang ganyang edad.
Dagdag pang tugma at compatible rin naman ang zodiac sign n’yong Cancer at Scorpio. Kung saan, ang Cancer at Scorpio ay kapwa pinaghaharian ng elementong water o tubig. Ganundin sa Numerology, ang birth date mong 7 ay tugma rin sa birth date na 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) ng boyfriend mo. Ibig sabihin, ang nabanggit na mga datos sa itaas, ang kumukumpirmang tugma at compatible nga kayo ng boyfriend mo na sa malapit na hinaharap, walang duda, matutuloy na ang binabalak n’yong pagpapakasal, na mauuwi rin sa isang masaya at panghabambuhay na pagsasama.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, tiyak na ang magaganap, sa susunod na taong 2025, sa edad mong 30 pataas, habang 32 naman ang boyfriend mo, matutupad na rin ang binabalak n’yong pagpapakasal na hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan, (Drawing A. at B, 1-M arrow a. at h-h arrow b.).
Comments