top of page
Search
  • BULGAR

Daig Kayo ng Lola Ko ang papalit… OPEN 24/7 COMEDY SHOW NI VIC SOTTO, TSUGI NA

ni Nitz Miralles @Bida | June 2, 2024



Photo
File photo

Marami ang nagulat sa balitang last episode na pala nu’ng May 25 ng Open 24/7 comedy show ni Vic Sotto sa GMA-7. Ang sabi, cancelled ang show na co-produced ng M-Zet Films na production ni Vic at ng GMA Network.


Walang paramdam na last episode na pala last Saturday ng comedy show na ang story ay lilipad pa-Amerika ang mga karakter nina Jose Manalo at Sofia Pablo, pero hindi natuloy.


Ano kaya ang nangyari? Tanong ng Kapuso viewers, babalik pa ba ang Open 24/7 o tuluyan nang mawawala? Ibig sabihin, kapag nawala ang nasabing show, wala na rin sa GMA si Vic Sotto at sa Eat Bulaga! sa TV5 na siya regular na mapapanood. Baka sa TV5 na rin nito ilipat at ituloy ang pagpoprodyus ng comedy show.


Ang Daig Kayo ng Lola Ko ang pansamantalang papalit sa iniwang time slot ng comedy show ni Vic. Ang episode na Lady & Luke nina Barbie Forteza at David Licauco na four Sundays umere ang napanood simula kagabi at habang wala pang final na ipapalit sa show ni Vic. Inaabangan ngayon kung ano’ng show ang ipapalit ng GMA-7 sa Open 24/7 at kung anong show ang ipoprodyus ni Vic sa TV5? 


Puwede sana ‘yung show nila ni Maine Mendoza na Daddy's Gurl na lumabas sa GMA-7, kaya lang, may comedy show si Maine kasama si Zanjoe Marudo.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page