ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | September 30, 2020
Ang palawan o giant swamp taro.
Ang gabi o taro ay may isa pang version na kung tawagin ay “palawan gabi”, tinatawag din itong higanteng gabi na sa English ay giant swamp taro. Sinasabing ipinangalan ang giant swamp taro sa probinsiya ng Palawan.
Tulad ng kanin, bigas at saging, ito ay isa ring staple food sa mga probinsiya rito sa atin. Ang Pilipinas ay sinasabing kalipinan ng mga isla, pero ang bansa ay binubuo ng napakaraming bukurin o bundok. Dahil dito, ang taniman ng palay ay limitado lang sa mga kapatagan, ibig sabihin, karamihan sa mga isla ay gabi o taro ang regular na kinakain.
Kaya ang palawan ay tunay na “giant” dahil sa benepisyong ibinibigay nito sa mga tao. Sa larangan ng tradisyunal panggagamot, tunay itong higante dahil maraming bansa ang gumagamit nito bilang herbal medicine.
Sa India, Southeast Asia, Bangladesh at Papua New Guinea, kinikilala ito bilang folk medicine.
Sa Malaysia, ang juice ng palawan ay ginagamit na panlunas sa mga kagat ng insekto tulad ng lamok, scorpion, alupihan, bubuyog at iba pa. Ang katas ng dahon ay ipinanggagamot sa ubo.
Sa Java, ang ugat at dahon ay ginagamit sa masakit na kasukasuan at buto.
Sa Papua New Guinea, ang katas ay ipinapahid sa ulo o noo para sa headache.
Sa India, ito ay panggamot sa sakit sa tiyan, bato at panlunas din sa rayuma. Ang dinikdik na dahon ay nagbibigay-ginhawa sa sumasakit na varicose veins at ito rin ay nagpapaganda ng daloy ng dugo.
Ginagamit din ang palawan sa may diabetes, bulate sa tiyan, pigsa at maging sa kagat ng aso at kalmot o kagat ng pusa. Ito rin ay mahusay na gamot sa leprosy.
Ang dahon ay anti-tumor, panlaban sa bakterya at anti-viral.
Sa ngayon, maraming ginagawang pag-aaral sa palawan at ilan sa natuklasan ay ang mga sumusunod:
● Panlaban sa scurvy.
● Panlinis ng katawan dahil nilalabanan nito ang free radicals na nagmumula sa paninigarilyo, radiation, maruming hangin o polusyon at toxic chemicals.
● Gamot din ito sa acne o taghiyawat. Nagagawa ng palawan na ayusin ang level ng testosterone para hindi magkaroon ng acne.
● May kakayahan din ang palawan na mapabilis ang paggaling ng mga sugat at maiwasan din ang pagkakaroon ng peklat.
● Binabalanse ng palawan ang reproductive hormones, kaya ang mga hindi mabuntis o magkaanak ay natutulungan ng pagkain ng palawan.
● Napipigilan din ng palawan ang maagang pagkabulag.
● Kaya nitong lunasan ang insomnia.
● Ang palawan ay isa sa mga kinikilalang food for the brain dahil tumatalas ang isipan ng tao kapag siya ay regular na kumakain nito. Maganda rin ang palawan sa mga kukuha ng exam nang mapanatili ang talas ng utak at magkaroon ng malaking tsansa na makapasa.
Tunay ngang ang palawan ay giant, hindi lang dahil ito ay malaki sa pangkaraniwang gabi o taro kundi makukuha rito ang ang “giant benefits” for mankind.
Good luck!
Comentários