ni Madel Moratillo | January 29, 2023
Aminado ang Department of Education (DepEd) na kulang ng guidance counselors sa mga paaralan sa bansa.
Pagtiyak ni DepEd Spokesperson Michael Poa, agad nilang aayusin ang problema. Hirap kasi aniya ang DepEd na makakuha ng guidance counselors na tutugon sa psychosocial
needs ng mga estudyante.
Mas mababa kasi aniya ang suweldo at wala ring career progression. Aniya, malaking tulong ang guidance counselor para matugunan ang mental health needs ng mga mag-aaral.
Una rito, ilang karahasan sa paaralan ang naitala nitong mga nakalipas na linggo.
Kabilang dito ang naganap sa Culiat High School sa Quezon City, kung saan isang 13-anyos na estudyante ang sinaksak at napatay ng kanyang 15-anyos na kaklase sa
loob mismo ng kanilang eskuwelahan.
Comments