top of page
Search
BULGAR

Dahilan kaya mas oks maghanapbuhay kesa umasa sa pamahalaan

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| July 24, 2020



Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 man o wala.

Kahit napaliligiran ng mga panganib at kung anu-anong banta sa buhay at kalusugan, ang mga unang tao, partikular sina Adam at Eve ay kailangang maghanapbuhay.


Tulad natin, may COVID-19 man o wala, dapat tayong maghanapbuhay dahil kapag tayo ay hindi naghanapbuhay, matutuluyan nang mawala ang ating buhay.


Akala ng marami, mali ang sinabi ni God kay Adam at Eve na sila ay walang pagsalang mamamatay kapag kinain nila ang ipinagbabawal kainin na bunga sa Garden of Eden. Pero ang mga tao lang ang nag-akala niyan. Sila na mga taong hindi naman kumikilala kay God at ‘yung iba na nagsasabing mali si God ay mga taong nakabasa ng kaunti sa Bible ay inakalang alam na niya ang lahat ng kaalaman sa langit at sa lupa.


Kaya sila ay naghanap ng kanilang ikabubuhay. Simple lang naman, kung hindi sila patay, tulad ng binitiwang salita ni God na walang pagsalang sila ay mamamatay, bakit sila naghanapbuhay?


Kapag naghahanap, ibig sabihin ay wala siya ng kanyang hinahanap dahil bakit ka pa maghahanap kung nasaiyo na ang hahanapin mo? Ano ang hinahanap nina Adam at Eve? Ito ay “life” o buhay, kaya malinaw na ang naghanapbuhay ay hinahanap ang kanilang buhay at ang walang buhay, eh ‘di patay.


Alam na alam nina Adam at Eve ang ganitong katotohanan kaya sinigurado nilang alam din at nauunawaan ng kanilang mga anak at apo na ang tao ay kailangang maghanapbuhay.


Muli, may COVID-19 man o wala, kailangan nating maghanapbuhay dahil kapag hindi man tayo magka-covid-19 dahil hindi tayo lalabas ng bahay, mamamatay din tayo sa gutom at sa kawalan ng makain.


Kaya ayon sa mga ekonomista, ekonomiya ang buhay ng bansa kung saan kapag patay ang ekonomiya, patay din ang bansa. As, in, magpapatayan ang mga tao kapag ang ekonomiya ay patay o walang gumaganang ekonomiya sa isang bansa.


Dahil dito, kahit dumarami ang mga nagpo-positibo sa COVID-19, binuksan ang ekonomiya para ang mga tao ay mabuhay kahit may banta ng COVID-19 sa paligid.


Sa pagbubukas ng ekonimya, ang mga tao ay makakapaghanapbuhay na at hindi aasa sa ayuda ng pamahalaan na sa totoo lang, hindi naman kayang pakainin ang mga tao kapag patuloy na sarado ang ekonomiya.

Itutuloy

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page