ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| August 17, 2020
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng pagtalakay sa mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.
Napakahirap hanapin ng gamot sa COVID-19, buong mundo ang naghahanap pero mukhang mailap pa rin malaman kung ano nga ba ang gamot sa sakit na ito.
Tulad ng nasabi sa nakaraang isyu, mas magandang yakapin natin ang mga salitang nagdala sa rurok ng tagumpay kay Albert Einstein na kinikilala bilang most influential man of the 20th century.
Sabi niya, “Do not be afraid to ask questions,” ito mismo ang kanyang naging guiding star na tumanglaw sa lahat ng kanyang achievements sa buhay.
Kung isasabuhay ito ng bawat isa, ang tagumpay ay maaabot at walang bagay na hindi matutuklasan kahit ang kalihim-lihimang kaalaman ay malalantad.
Sobrang sikat ang sinasabing ito ni Einstein, kaya paborito itong gamitin ng mga kabataan noon.
Sa ngayon, ito pa rin ang kinakapitan ng mga kabataan, kapag sumasagot sila sa kanilang mga magulang, parang naging lisensiya ang “Do not be afraid to ask question” ni Einstein, kaya ang mga magulang at anak ay parang laging nagbabangayan.
Sagot nang sagot ang anak na lalo namang ikinagagalit ng mga magulang. Sa biglang tingin, kung babanggitin ang sinabi ni Einstein, may punto ang kabataan. Pero kung susuriing mabuti, wala namang sinabi si Einstein na “Do be not afraid to answer,” kaya ang pagsagot sa mga magulang ay hindi naman kinukonsinte ni Einstein. Sabi niya nang malinaw ay “question” at hindi ang pagsagot-sagot o “answer”.
Tanong tayo nang tanong at habang tayo ay nagtatanong, madaragdagan ang ating kaalaman at ang mga hindi naman dapat paniwalaan, sa katatanong natin ay ating maiiwasan kaya magandang isabuhay sinasabing “Do not be afraid to ask questions.”
Ito rin ang magiging susi para makatuklas tayo ng mga bagong ideya, kaisipan, pormula at susi sa pagresolba ng ating mga suliraning kinakaharap, partikular na ang COVID-19 na nagpapahirap sa buong mundo.
Kung hindi tayo magtatanong nang magtatanong, ibig sabihin ay hindi na tayo susulong sa kaalaman, karunungan at bagong katotohanan. Ang sinumang nagsasabi na walang gamot sa COVID-19 ay tinatanggap na siya ay talo na.
Ang ganitong mga payahag ay self-defeating, procrastinating at counter productive. Kaya dapat sa mga ahensiya ng pamahalaan ay iwasan ang pagpayag sa sinasabing walang gamot sa COVID-19.
Habang naghahanap pa ng gamot, ang ganitong statement ay hindi dapat sinasabi dahil hindi pa naman tapos ang paghahanap, as in, nasa proseso pa ang mundo ng pagtuklas, kaya wala sa tamang lugar ang pagsasabi na walang gamot sa COVID-19.
Kung ipagpipilitan ng mga namamahala sa kagawaran ng kalusugan ang ganitong pahayag, sa huli, mahirap mang tanggapin, talo na tayo ng COVID-19. Ito ay dahil na rin sa pagsasabing walang gamot sa sakit na ito ay hindi lang self-defeating kundi self-destructive din, kumbaga, nagtagumpay ang COVID-19 laban sa mga tao o “Man is destroyed by COVID-19.”
Itutuloy
Comments