ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| August 5, 2020
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pagtalakay ng mga bagay na kailangang gawin ng tao, may COVID-19 pandemic man o wala.
Tulad ng nasabi na, dapat alisin natin sa ating isipan na walang gamot sa COVID-19. Mas magandang isabuhay natin ang positibong pananaw kahit may pandemya. Dahil sa kasaysayan ng medisina, halos lahat ng gamot ay naitalang “na-discover,” ibig sabihin, may gamot at naghihintay lang na ito ay madiskubre.
Ang totoo nga, inaamin ng medisina na ang maraming gamot ay mula sa halaman, ibig sabihin, nasa paligid lang pala ito at hindi mahirap hanapin.
Kaya ang salitang “walang gamot” ay sobrang mali dahil mayroong gamot at ito ay kadalasang nasa halaman.
Pero ang gamot, hindi tumutukoy lang sa drugs o gamot sa mga botika dahil ang maraming gamot ay hindi drugs kundi “paraan” o ginagawa na sistema na nakapagpapagaling sa mga karamdaman.
Tulad ng hilot, ito ay hindi gamot kundi ito ay isang paraan o sistema na ginagawa.
Pagtali sa sugat, ito rin ay hindi drugs, ang paghiwa ay ganundin at kahit ang simpleng pagtulog o pamamahinga ay nagpapagaling din, tulad din ng magandang tanawin.
Pero hindi lang ‘yan ang mga gamot laban sa sari-saring sakit. Minsan, ang simple at matagal nating ginagawa araw-araw ay gamot din pala na panlaban sa mga mikrobyo.
Narito ang isang kuwento na naitala sa kasaysayan ng medisina:
May isang pangkaraniwang estudyante ang lumitaw sa mundo, hindi siya matalino, siya nasa average lang, as in, hindi kagalingan pero hindi naman kahinaan sa kanyang pagiging mag-aaral.
Hindi niya hilig ang ibang bagay dahil ang hilig niya ay gumuhit ang magpinta,
pero siya ay kilala sa larangan ng chemistry-medicine.
Sa kanyang panahon, mahilig sa alak ang mga tao, kaya lang, ang mga alak ay madaling umasim kaya nasisira ang lasa at nakakasama sa kalusugan.
Dapat din nating isaalang-alang na ang gamot ay hindi lang tumutukoy sa mga drugs dahil ito ay para rin sa mga paraan at ginagawa o puwedeng gawin. Naghanap siya ng paraan para ito ay masolusyunan at kanyang nadiskubre na kapag pinakuluan ang alak at pinalamig, nawawala na ang pag-asim dahil namamatay ang germs sa pamamagitan ng pagpapakulo.
Ikaw, marunong ka bang magpakulo ng tubig? Ikaw ba ang nakaimbento ng pagpapakulo ng tubig? Siyempre, hindi, dahil dati nang marunong magpakulo ng tubig ang mga tao.
Ang pangalan ng taong nakatuklas na ang pagpapakulo sa upang hindi ito umasim at mamatay ang mga germs ay si Louis Pasteur, na lalong kilala sa sistemang medical na “pasteurization.”
Makikita natin na ang tulad ng simpleng pagpapakulo ng mga pagkain, bagay at iba pa ay nakakapatay ng mikrobyo at nakakapagligtas ng maraming buhay.
Ito rin ang dahilan kung bakit ang “suob” ay hindi natin dapat maliitin kundi mas magandang pag-aralan pang mabuti dahil ayon sa mga personal na karansan ng mga nagka-COVID-19, sa suob sila gumaling.
Itutuloy
Comments