ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 26, 2023
Talk of the town na naman ngayon ang kontrobersiyal na young actress na si Andrea Brillantes.
Siya kasi ang itinuturong dahilan ng breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na ilang taon na ring magkarelasyon.
Walang inaamin si Daniel at hindi rin diretsahang pinangalanan ni Kathryn si Andrea na third party sa kanilang paghihiwalay ng BF, pero malakas ang bulong-bulungan na si Andrea nga ang dahilan kaya tuluyan nang nabuwag ang tambalang KathNiel.
Well, pagkatapos ng kontrobersiya sa naging relasyon ni Andrea at ng basketball player na si Ricci Rivero, heto at may bagong pasabog ang young actress na gumulantang sa showbiz.
Umentra na naman daw ang pagiging bad girl ni Andrea. Negang-nega na naman ang imahe niya sa mata ng publiko lalo na sa KathNiel fans.
Ganunpaman, bentahe para sa career ng young actress ang mga isyu at controversy na kanyang kinasasangkutan. Mas sumisikat siya at pinag-uusapan ng lahat at viral pa sa social media ang kanyang love life. At dahil dito, dagsa na rin ang kanyang mga endorsements.
Pero, dedma si Andrea sa mga bashers. Hindi siya apektado kahit ano pa ang itawag sa kanya. Sanay na siya na kapag may naghihiwalay ay siya ang itinuturong may kasalanan. Lahat na lang ng isyu ay sa kanya ibinibintang.
Comments