top of page
Search
BULGAR

Dahil umano ‘unruly’ 100 magsasaka at land reform advocates, inaresto sa Tarlac

ni Lolet Abania | June 10, 2022



Nasa tinatayang 100 magsasaka at mga land reform advocates ang inaresto sa Concepcion, Tarlac nitong Huwebes, Hunyo 9.


Dinakip ang mga magsasaka at advocates na base sa isang police report ay dahil sa “malicious mischief and obstruction of justice.” Kabilang sa mga inaresto ay sina Felino Cunanan, 63-anyos; Chino Cunanan, 34-anyos; Abigail Bucad, 36-anyos; Sonny Dimarucut, 45-anyos; Sonny Magcalas, 58-anyos at Pia Montalban, 39-anyos; Alvin Dimarucut, 36-anyos, at iba pang residente at mga land reform supporters.


Ayon diumano sa mga imbestigator, ang mga residente ng Tarlac ay gumamit umano ng isang rotovator at dinemolish ang sugarcane plantation na pag-aari ng Agriculture Cooperative na matatagpuan sa Barangay Tinang bandang alas-9:00 ng umaga nitong Huwebes.


Sinubukan naman ng mga police officers ng Concepcion Municipal Police Station, Special Action Force, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, Tarlac Police Provincial Office Intelligence Branch, Regional Mobile Force Battalion; gayundin ng Philippine Army 3rd Mechanized Infantry Battalion, Naval Intelligence and Security Group-Northern Luzon, na awatin o “pacify” ang mga magsasaka at advocates.


Subalit anila, ang mga ito umano ay naging, “unruly and tried to obstruct the law enforcers from performing their official duties.”


Ayon kay PRO3 Regional Director Police Brigadier Matthew Baccay, habang ang mga law enforcers ay nagpapatupad ng mandatong nakaatang sa kanila, patuloy nilang masusing iimbestigahan ang insidente.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page