ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 07, 2021
Noon pa mang mga nakaraang eleksiyon ay marami na ang nagtatanong sa King of Talk na si Boy Abunda kung papasukin din niya ang pulitika tulad ng kanyang pamilya.
Ngayong nalalapit na naman ang eleksiyon ay nagkakaroon uli ng espekulasyon na tatakbo si Kuya Boy sa Senado kaya naman nagbigay na ng sagot ang King of Talk tungkol dito sa kanyang latest interview sa ABS-CBN.
“No, I’m not gonna run,” deklara ni Kuya Boy, “It’s too late to make a decision to run for the Senate.”
Inamin naman ni Kuya Boy na may mga nag-aalok sa kanya para tumakbo sa Senado pero tinanggihan niya ito.
“It’s a major decision. I’m not ready to run for the Senate. I have been invited to run for the Senate. I don’t have the tenacity, I don’t have the strength to run a national campaign. I don’t have the money. I don’t have the national organization, the political organization.
“It takes a national political organization to run a national campaign. Kailangan mo ng logistics, I don’t have that. And most important of all, wala akong apoy sa bituka. I don’t have fire in my belly for the Senate,” saad pa ni Kuya Boy.
Pero sinabi rin niya na hindi siya nagsasalita nang tapos at bukas naman ang kanyang pintuan para sa pulitika.
Kuwento nga niya, nang magsara nga raw ang ABS-CBN last year ay sinabihan siya ng kapatid na si Fe Abunda na tumakbo na lang sa Congress.
“Ang kapatid ko (Fe Abunda) who is presently the congresswoman of the lone district of Eastern Samar, she’s a member of Congress, sabi niya sa akin, ‘Trabaho lang naman ‘yan, eh, di tumakbo ka sa atin, mag-congressman ka.’
“It was half-meant, it was facetiously said, but I knew when she said that, it also came from the heart. ‘Why not go to public service?’ Ang aming nanay at tatay ay nasa public service. Ang kapatid ko ay three-term mayor, nag-vice-mayor, ngayon, congresswoman.
“I thought about, ‘Oo nga, ‘no? I can actually run.’ I’m not closing my doors on politics,” pahayag niya.
“But am I gonna run in 2022? I don’t know, I really don’t know. I don’t think so,” he said.
Pero if ever, hindi raw siya sa Senado tatakbo or any national position. Kung sakali naman daw na ia-appoint siya for any position, puwede rin daw niyang i-consider and kung makakatulong naman siya ay may posibilidad daw na tanggapin niya.
“Ayoko lang magsara ng pintuan,” sey pa ni Kuya Boy.
Comments