ni Lolet Abania | August 29, 2022

Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) sa kanilang opisina sa Bacoor, Cavite, ang tungkol sa alegasyon sa mga guro na sinasabing sexually harassing o nangmomolestiya umano sa mga estudyante sa isang local high school.
Sa isang text message sa ABS-CBN News, inilarawan ni DepEd Spokesperson Michael Poa ang alegasyon na isang “very disturbing news,” na aniya pa, “[the agency was] taking this very seriously.”
“Upon inquiry, I was informed that the Schools Division Office (SDO) was made aware of these allegations of sexual harassment last week and that an investigation has already started and is currently underway,” pahayag ni Poa.
Ito ang naging reaksyon ni Poa sa isang viral post sa Twitter, na umano’y ang mga estudyante sa isang partikular na high school na lumapit na upang i-expose ang mga guro na hina-harass umano sila sexually.
Sa mahabang Twitter thread, kung saan umani ng libu-libong likes at retweets simula nang ma-publish ito noong Sabado, kabilang dito ang mga screenshots ng diumano Messenger exchanges na nagpapakitang ang mga guro ay gumagawa ng mga sexual advances at iba pang hindi magagandang comments sa kanilang mga estudyante.
Ayon kay Poa, tinatayang nasa 6 na guro ang aniya, “were not given any teaching load pending initial investigation on the matter.”
“We will continue to coordinate with the SDO and the Regional Office concerned. We have zero-tolerance for any form of abuse in our schools,” giit pa ni Poa.
Comments