top of page
Search
BULGAR

Dahil sa temperatura at transportasyon... 12,970 doses ng COVID-19 vaccine, nasayang — DOH

ni Lolet Abania | October 18, 2021



Nasa kabuuang 12,970 doses ng COVID-19 vaccine ang naitapon dahil sa mga isyu tungkol sa temperatura, transportasyon, at labelling, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.


“Most of the reasons ay itong temperature excursions, no? Mayroong nagkaroon ng sunog sa Cotabato at saka doon sa Ilocos Norte dati kung saan ang ilang bakuna natin ay nadamay,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa media briefing.


“Meron tayong nabalitaan noon na mayroong nagkaroon ng wastage dahil doon transport. Nagkaroon ng doon sa bangka na sinasakyan nila, may issue tayo doon na parang nalubog ‘yung mga vaccine,” dagdag niya.


Ayon kay Vergeire, ang mga vaccines na hindi na-labeled o iyong mga may label na nasira ay naitapon din.


“’Yung iba naman may reports may mga particulate matters doon sa bakuna… kapag ganoon ang itsura ng bakuna, hindi na natin ‘yan ginagamit. So dini-discard,” sabi ng kalihim.


Samantala, sa pinakabagong datos ng National Task Force Against COVID-19, nakatanggap na ang Pilipinas ng 90.61 milyong doses ng COVID-19 vaccine simula noong February.


Sa naturang bilang, 51.48 milyon doses ang na-administered ng gobyerno.

May kabuuang 23.98 milyong Pilipino naman ang fully vaccinated kontra-COVID-19.

0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page