ni BRT | May 9, 2023
Limampu't isang porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing na mahirap, ayon sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).
Sa 1,200 Filipino adults na naitala 51% ang nagsabing nire-rate nila ang kanilang sarili bilang mahirap.
Tatlumpu’t isang porsyento ang nagsabing sila ay nasa borderline poor habang ang isa pang 19% ay nagsabing hindi sila mahirap.
Sinabi ng SWS na ang tinatayang bilang ng mga self-rated na mahihirap na pamilya ay nasa 14 milyon noong Marso 2023, mas mataas mula sa 12.9 milyon noong Disyembre 2022.
Dagdag dito mas maraming Pilipino sa Metro Manila at Visayas ang nag-rate sa kanilang sarili na mahirap noong Marso.
Ang mga self-rated poor ay tumaas sa Metro Manila mula 32% hanggang 40% at sa Visayas mula 58% hanggang 65%.
Gayunpaman, bumaba sa Luzon mula 49% na naging 43%. habang sa Mindanao ay mula 59% hanggang 62%.
Sinasabi umano ng mga pamilya na mahirap sila kapag mataas ang inflation rate lalo na ang food inflation.
Comentarios