top of page
Search
BULGAR

Dahil sa sakit — DOH.. 3 bata namatay matapos mabakunahan kontra-COVID-19

ni Lolet Abania | December 10, 2021



Ang pagkamatay ng tatlong kabataan na edad 12 hanggang 17 na nakatanggap ng COVID-19 vaccines ay nasawi dahil sa sakit at hindi sanhi ng kanilang pagbabakuna laban sa coronavirus, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.


Sinabi ni DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na patuloy ang isinasagawang case investigation at causality assessment ng ahensiya sa nangyaring insidente.


“Unang-una po kinakalungkot po natin at nakikiramay tayo sa mga pamilyang nagkaroon ng pagkamatay pero lagi po nating tatandaan na hindi lang po bakuna ang maaaring maging cause nitong ating sinasabing pagkamatay pagkatapos mabakunahan,” sabi ni Vergeire sa mga reporters .


“Base sa initial reports natin, ito pong 3 katao na nagkaroon po ng bad outcome o namatay after receiving their vaccines died of other diseases. One died because of non-COVID-19 pneumonia, another died because of dengue, and another died because of tuberculosis,” giit ni Vergeire.


Ang pagkasawi ng mga menor-de-edad ay kabilang sa mga reports ng Food and Drug Administration (FDA) ng suspected adverse reaction sa COVID-19 vaccine na ini-release noong Nobyembre 28.


“Reports of fatal events does not necessarily mean that the vaccine caused the events. Underlying conditions or pre-existing medical conditions causing fatal events are usually coincidental on the use of the vaccine,” ayon sa report.


“Most of these events occurred in persons with multiple existing comorbidities. These include cardiovascular diseases, ischemic heart diseases, cerebrovascular diseases, cancer, diabetes, and infections including pneumonia,” batay pa sa report.


Giit ni Vergeire, pinag-aaralan na rin ng mga eksperto sa Pilipinas ang vaccine developments sa ibang mga bansa, gaya ng US’ approval ng Pfizer booster shots para sa mga edad 16 hanggang 17 subalit nananatiling prayoridad pa rin ang populasyon ng mga hindi pa bakunadong indibidwal.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page