ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 19, 2021
Nakakalungkot naman, kung kailan kailangan ni Sen. Manny Pacquiao ang mga kaibigang makakapagbigay sa kanya ng moral support at makakaramay sana niya sa kanyang bagong journey sa pagtakbong pangulo sa 2022 national elections, saka pa naman unti-unting lumalayo ang mga ito sa kanya.
Hindi ba't nauna nang nagkaroon ng misunderstanding sina Sen. Pacquiao at Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis "Chavit" Singson kaya hindi na nakitang kasama ng Pambansang Kamao ang negosyante-pulitiko sa kanyang huling laban kay Yordenis Ugas?
Balitang tutol kasi si Chavit sa pagtakbong pangulo ni Sen. Manny.
Ngayon naman, lumabas at nagsalita na ang matagal nang BFF-confidante-assistant ni Pacquiao na si Jayke Joson at ikinuwento nga sa isang panayam ang dahilan kung bakit lumayo na rin siya sa Pambansang Kamao.
May kaugnayan sa naudlot na laban ni Sen. Manny sa boksingerong si Conor McGregor sa Las Vegas, Nevada under Paradigm Sports ang kanilang alitan.
Kuwento ni Jake Joson, nagpahanap sa kanila ni Arnold Vegafria (manager ni Pacquiao) si Manny ng huling makakalaban nito bago magretiro sa boxing. Ang layunin ni Manny, 'yung perang makukuha sa laban ay itutulong niya sa mga tao.
To cut the story short, nai-deal nga nila sa Paradigm Sports ang laban nina Pacquiao at McGregor at pumirma naman agad ng kontrata ang Pambansang Kamao.
Humirit daw agad si Pacquiao ng advance payment na $1 M dahil gusto nga nitong ipamigay sa mga mahihirap.
Bagama't 'di raw 'yun kalakaran ng Paradigm Sports, pinagbigyan ang request ni Manny at nagbigay ng $2 M as advance payment sa laban kay McGregor.
Pero humirit pa raw uli si Manny ng another $2 M at hindi na 'yun napagbigyan ng Paradigm Sports kaya sina Jake at Arnold na ang gumawa ng paraan. Sa kanilang sariling pera, nag-abono raw sila ng P65 M kaya umabot sa P165 milyon ang naging advance payment kay Pacquiao.
“P65M, sa amin dalawa ni Arnold, personal money. Nagkasanla-sanla po kami para lang itulong at ibigay kay Senator Pacquiao. And then, 'yung P100M, sa Paradigm," bahagi pa ng kuwento ni Jake.
Ang siste, hindi raw tinupad ni Sen. Manny 'yung pinirmahang kontrata sa Paradigm at tinakbuhan pa sila kaya ayun na, nasira na ang pagkakaibigan nila.
At dahil nga rito, may nakabinbing breach of contract case sa Amerika laban kay Pacquiao na isinampa ng Paradigm Sports.
Well, ngayong tumatakbong pangulo si Sen. Manny, mas hindi na niya dapat patagalin ang isyung 'yan, magpaliwanag siya at ibigay ang kanyang panig, dahil kung mananahimik lang siya, mas magiging nega ang dating niya sa mga tao at maaari pang mahusgahan siya agad-agad.
Comments