ni Jasmin Joy Evangelista | October 29, 2021
Nagbabala ang Samahang Industriya ng Agrikultura na posibleng tumaas ang presyo ng karneng baboy sa NCR dahil sa sunod-sunod na oil price hike.
"Sa tingin ko, tataas pa 'yan. This coming week baka another P20. So, P40 itong buwan na ito," ani Samahang Industriya ng Agrikultura president Rosendo So sa isang panayam.
Ayon pa sa grupo, malaking tulong hindi lang sa mga magbababoy, magsasaka, at mangingisda kundi maging mga sa mga consumer at food transporters kung tatanggalin ang taripa para bumaba ang presyo ng petrolyo.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 2020 ang Executive Order 113 kung saan tinaasan ng 10 porsiyento ang taripa ng mga produktong petrolyo.
Nitong mga nagdaang linggo ay naging sunod-sunod ang oil price hike kaya’t umaaray ang lahat ng apektado nito.
Comments