ni Angela Fernando - Trainee @News | December 5, 2023
Nagpahayag ang Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Martes na kanilang pinalakas ang mga hakbang sa seguridad matapos ang kamakailang pagsabog ng bomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo sa isang Bagong Pilipinas Ngayon Public briefing, itinaas na ang antas ng babala sa ahensya dahil sa insidente sa MSU.
Aniya, nagdagdag sila ng tauhan sa mga nakikita nilang maaaring maapektuhan ng pambobomba lalo na sa mga port na involved sa bahagi ng Mindanao.
Saad ni Balilo, dinagdagan na rin nila ang mga naka-deploy na K9 units sa gitna ng pinaigting na inspeksyon at pagsusuri sa ports.
Merong mga floating assets na rin ang umiikot sa mga baybayin para sa mas mahigpit na seguridad.
Sinigurado naman ng PCG kasama ang Philippine Ports Authority, Philippine National Police (PNP), at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kaligtasan ng mga biyahe at ng mga pasahero.
תגובות