ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 9, 2024
Photo: Sarah Lahbati / IG
May ADHD pala si Sarah Lahbati na ang ibig sabihin ay Attention Deficit Hyperactivity Disorder, isang medical condition.
Ang taong may ADHD ay hirap in paying attention at mabilis ma-distract, at hirap din in remembering daily task, sey ni kaibigang Google.
Nabanggit ni Sarah ang pagkakaroon ng ADHD nang ikuwento ang experience niya sa pag-attend sa Paris Fashion Week (PFW). Pahapyaw lang niya itong nabanggit dahil sa toxic schedule ng mga nasa PFW.
Sa part na ito ng post nabanggit ni Sarah ang kanyang kondisyon, “I owe a huge thank you to the Vogue Philippines team for their meticulous organization.
“As someone with ADHD, having a detailed schedule is a blessing. And the icing on the cake? Being surrounded by an incredible personal team, cheering me on as a Fashion Week newbie. Their support has made this experience not just enjoyable but truly unforgettable.”
Successful nga ang first PFW experience ni Sarah at mukhang masusundan dahil siguro naman, dadalhin pa siya ng Vogue Philippines sa ibang fashion week.
Nababasa namin ang pangalan ng mga nagla-like sa post ni Sarah at kabilang dito si Heart Evangelista.
Masipag namang mag-comment sa post niya si Sofia Andres.
Hindi na nababasa ang pangalan ni Kyline Alcantara sa mga nagla-like at nagko-comment sa post ni Sarah. They unfollowed each other in Instagram (IG) na nga kasi.
HINDI kami sinagot ni Juancho Triviño sa tanong namin kung ilan na ang bahay nila ng asawang si Joyce Pring-Triviño.
Kaya namin naitanong kung ilan na ang bahay nila ay dahil tuwing nagtse-check kami ng Instagram (IG) nito, parang may bago silang bahay lagi.
Hindi nga lang kami sinagot ng aktor, kaya hindi pa rin namin alam kung ilan na ang bahay nilang mag-asawa.
Hindi nga rin nito sinagot ang tanong ng ibang press kung ipinapa-rent ba nila o ibinebenta ang kanilang mga bahay. Basta, marami silang bahay ni Joyce, period.
Nakausap namin si Juancho sa presscon ng Regal Studio Presents (RSP) kung saan tampok sila ni Arra San Agustin sa episode na I Remember You.
Hindi pa nakukunan ang episode, kaya hindi pa alam ni Juancho kung sino ang director.
Ang nabanggit lang, nagkatrabaho na sila ni Arra dati, kaya wala nang adjustment sa kanilang dalawa.
Masaya sila to be working together again at thankful sa Regal dahil nagkaroon sila ng reunion ni Arra.
Ang RSP ay napapanood every Sunday, 4:15 PM sa GMA at kaya nagugustuhan ng mga viewers ay dahil iba’t ibang story ang hatid every week.
Nasa cast din si Juancho ng Widows’ War (WW), kaya lang, missing siya sa past episodes.
Siguro naman, babalik pa ang kanyang karakter bago magtapos ang series lalo na’t extended ito at paaabutin ng GMA ng 100 episodes.
NAKABALIK na ng bansa si Pia Wurtzbach after ng New York Fashion Week (NYFW), Milan Fashion Week (MFW), at Paris Fashion Week (PFW). May kasama pa ‘yung side trip sa Bangkok, Thailand para sa Bvlgari event.
Isa sa mga unang ginawa ni Pia pagdating ng Pilipinas ay bisitahin at itsek ang ipinagagawang bahay. Kinunan nito ang ilang parte ng bahay at ipinost sa Instagram (IG).
May caption na: “Not long now” at “Progress check” ang post ni Pia.
Ang ipinapatayong bahay ang isa siguro sa mga rason kung bakit masipag at hardworking si Pia.
Ang alam namin, may condo ito, pero iba pa rin ang bahay.
Natutuwa ang mga fans na iniisip na baka paghahanda na ito ni Pia at ng asawang si Jeremy Jauncey sa pagkakaroon ng baby, kaya nagpatayo ng bahay.
SINAMAHAN ni Sharon Cuneta ang asawang si Kiko Pangilinan sa pagpa-file ng COC o Certificate of Candidacy kahapon sa Manila Hotel.
Tatakbong senador si Kiko sa 2025 midterm elections at suportado pa rin siya ni Sharon.
“And here we happily go again...” ang sabi ni Sharon.
Kung nabasa nina Sharon at Kiko ang comment ng mga netizens, matutuwa sila.
May nagsabing si Kiko at si Bam Aquino lang ang kanyang iboboto. May mga fans din sina Sharon at Gabby Concepcion na iboboto si Kiko.
Marami na rin ang nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Kiko Pangilinan at may mga nanawagan sa kapwa fans ng “Let us make him win.”
Comments