ni Lolet Abania | July 5, 2022
Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon power grid sa yellow alert ngayong Martes ng umaga at hapon dahil maraming power plants nito ang nag-offline.
Sa isang advisory, sinabi ng NGCP na inilagay ang yellow alert sa island mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon.
Inilalagay sa yellow alert kapag ang grid ay may manipis na power reserves, subalit hindi ibig sabihin nito na magkakaroon ng mga brownouts.
Ayon sa NGCP, nasa 1,439 megawatts (MW) ang nabawas o na-slashed mula sa Luzon grid dahil sa forced outage at nag- derate naman ang mga sumusunod na power plants:
• GNPD 1 – 668MW
• GMEC 2 – 316MW
• Calaca 2 – 240MW
• SLPGC 3 & 4 – 50M
• Masinloc 1 (derated by 165MW)
Sinabi naman ng NGCP na ang grid ay mayroong net operating margin ng 236MW, na may suplay ng 11,847MW at tinatayang operating requirement ng 11,177MW.
Comments