ni Jasmin Joy Evangelista | January 3, 2022
Muling maghihigpit ang Baguio City sa pagtanggap ng mga turista dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang tatanggapin lang ng lungsod ay mga bisita na nauna nang nakakuha ng QR-coded Tourist Pass o QTP.
Ayon sa Baguio Public Information Office, hindi na nila aaprubahan ang mga bagong leisure travel requests sa Baguio Visita website. Ibig sabihin, hindi muna makakaakyat sa lungaod ang mga turista na nagpaplano pa lang o nagbabalak pa lang na bumisita sa Baguio ngayong Enero
Ang mga pre-approved travel na may QTP lang ang maaaring pumasok sa Baguio at lahat ng pending requests ay considered rejected na o ‘di na aprupado.
Ang mga Authorized Person Outside of Residence (APOR) naman ay papayagang pumasok sa Baguio kabilang ang mga official trips basta't mag-register pa rin online sa Baguio website.
Matatandaang noong December 26 ay 4 lang ang active cases sa Baguio, pero matapos ang isang linggo lang ay tumaas ito sa 73 active cases kahapon.
Comments