top of page
Search

Dahil sa mga anak… ANJO, PA-GF-GF NA LANG, AYAW NG LIVE-IN AT KASAL

BULGAR

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 12, 2023



Nakausap din namin si Anjo Yllana pagkatapos ng Q&A sa mediacon ng Team A at kinumusta naman namin ang kanyang love life kung "Happy Fam, Happy Life" rin ba siya ngayon, since ang lakas nga niyang mangantiyaw sa 'kumare' pala niya in real life na si Yayo Aguila.


Bakit tila tahimik ang love life niya ngayon?


Nangingiting sagot ng panganay sa Yllana brothers, "Tahimik ako kasi there's nothing to talk about. I have no love life. I have my children (two girls and two boys), my youngest nasa high school pa kaya ru'n nakatutok (ang attention ko), and my mom (77 yrs. old na nasa kanyang poder)."


Tahimik daw ang kanyang love life dahil ayaw naman niyang pinag-uusapan ito sa publiko para maiwasang masaktan ang kanyang mga anak.


Pero inamin sa amin ni Anjo na naka-dalawang girlfriends na rin siya pagkatapos ng naging hiwalayan nila ng asawang si Jackie Manzano last 2015.


Hindi nga lang daw nag-workout ang mga sumunod na relationships niya dahil mahirap kapag may mga anak na kailangang i-consider.


Seryoso naman daw siyang magmahal, kaya lang 'pag napag-uusapan na ang pagpapakasal at pagkakaroon ng baby, umaatras na siya dahil 'di na siya willing na dagdagan pa ang apat niyang anak na nag-aaral pa nga ang bunso.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page