ni Lolet Abania | October 11, 2021
Pansamantalang itinigil ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City matapos na magbaba ng Lightning Red Alert ngayong Lunes ng tanghali.
Sa isang advisory ng Department of Transportation (DOTr), ayon sa ahensiya nag-isyu ng alert ang PAGASA bandang alas-12:37 ng tanghali ngayong Lunes.
Agad na naglabas ang PAGASA ng red lightning alert nang magkaroon ng isang thunderstorm sabayan pa nito ng lightning o pagkidlat sa loob mismo ng 9 kilometers ng paliparan.
Ang alert scheme ay may mga mandato, kung saan suspendido muna ang operasyon at galaw ng parehong aircraft at ramp personnel para na rin sa kaligtasan at seguridad ng lahat.
“The Red Lighting Alert is a safety measure taken to prevent any untoward incident from happening when lightnings are prevalent in the immediate area and may endanger personnel, passenger, and even flight operations," paliwanag ng DOTr.
Ayon sa DOTr, ang alert scheme ay ipinatupad sa NAIA matapos na isang empleyado ang namatay nang tamaan ito ng kidlat sa Terminal 3 tarmac noong 2014.
Comments