top of page

Dahil sa kontribusyon sa ‘Pinas… NORA, PILITA, MARGARITA AT GLORIA, BIBIGYAN NG PRESIDENTIAL MEDAL OF MERIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 24, 2025



Photo: Nora Aunor, Pilita, Margarita at Gloria - IG, FB, Circulated


Mauuna na ang Ayala Malls na ibigay ang request ng mga Noranians at mga casual fans na muling ipalabas ang mga ginawang pelikula ni Nora Aunor. 


Ipapalabas ang mga pelikulang Tatlong Ina, Isang Anak (TIIA) at Tatlong Taong Walang Diyos (TTWD) na idinirehe ni Mario O’Hara.


Sa ilang piling Ayala Cinemas daw ito mapapanood mula April 25 to 29. 

Ang nakasulat na cinemas ay Ayala Malls The 30th, Circuit, Fairview Terraces, Marquee at sa Legazpi.


Ang ABS-CBN Sagip Pelikula ang nasa likod ng screening ng movies ni Nora na tinawag nilang “In Honor of Aunor.”


Dahil sa announcement na ito ng SINEGANG.ph, may mga requests na isang full filmfest ng mga pelikula ni Nora at kung puwede, hindi lang sa Manila. May request din na muling ipalabas ang Mananambal, Pieta at Kontrabida.


Samantala, bibigyan ng Presidential Medal of Merit ng Malacañang sina Nora, Pilita Corrales, Margarita Fores at Gloria Romero. Sa May 4, naka-schedule ang pagbibigay ng Presidential Merit Awards.


Ang sabi, ang Presidential Merit Award is one of the highest awards conferred by a Philippine president to individuals in recognition of their contribution to nation-building.


 

Nasa cycling phase na ang paghahanda ni Alden Richards para sa planong pagsali sa Tokyo Marathon na naka-schedule sa March 1, 2026. 


Bumili siya ng Colnago bike na for cycling na kanyang ginagamit sa training. Dahil nagte-training, madalas pang sumemplang si Alden.


Ipinadala nito sa sister niyang si Riza Faulkerson ang photos ng mga sugat niya dahil sa pagsemplang sa bike. Meron sa binti, sa kamay at braso. Natawa ang mga fans ng aktor sa nabasang sagot ni Riza na, “Sige, Kuya. Sabay na kayo ni lola mag-wheelchair.”


Kung saan-saan nakakarating si Alden at mga kasama sa pagba-bike at minsan, nakakasama pa niya sina Kristoffer Martin at Sam YG. Ang daming gustong sumama kay Alden kabilang si Paulo Avelino, kaya mas masaya ang pagbibisikleta ng grupo.


Hindi pa naman kinakalimutan ni Alden ang running at noong isang gabi nga, mga taga-Bench ang nakasama niyang tumakbo sa BGC. Saka, pinaghahandaan na rin ni Alden at ng kanyang Myriad Corporation ang gaganaping charity run na “Lights, Camera, Run!” in partnership with Mowelfund.


Takbo ito para sa Pelikulang Pilipino at naka-schedule sa May 11, 2025. Nag-register na sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Julia Montes at Dingdong Dantes. Kinumpirma na rin ni Barbie Forteza na tatakbo siya at marami pang celebrities ang sasali, kaya abangan sila sa nasabing petsa.


 

HINDI na pala natuloy sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa plano nilang Holy Week vacation sa El Nido, Palawan. Sa Instagram (IG) post ng aktor, parang sa Batangas na lang sila nagbakasyon ng girlfriend. 


Pahayag niya, “One thing I’ve learned this long weekend: When you give so much of yourself to your work, you also need to give yourself time to breathe. Dahil ang pahinga, hindi ‘yan pagtakas sa ginagawa mo—ito ang bumabalik ng sigla, para mas kaya mong ipagpatuloy ang mahal mong ginagawa.


“After days of taping for Lolong, I drove straight to Batangas—the moment we got there, everything changed. Did some yoga. Got fresh air. Slowed down for real.


“No phones. No noise. Just presence. Kumain ng masarap, tumawa ng malakas, at nabuhay ng simple. I wasn’t thinking about time or to-do lists. I was just there—enjoying life. And in that stillness, I felt something I didn’t know I was missing—nahanap ko muli ang sarili ko.


“Now I’m heading back to work with a clear head and a full heart. Grateful. Recharged. Ready.”


Nag-resume nang mag-taping si Ruru ng Lolong: Pangil ng Maynila (LPNM) at nag-report siya sa taping na maayos nang maglakad. Wala na siyang saklay at hindi na gumamit ng wheelchair. 


Ang payo lang ng kanyang doctor, be careful sa mga gagawing stunts para gumaling na siya at para maganda ang result ng another MRI na gagawin sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page