top of page
Search
BULGAR

Dahil sa 'kin — P-BBM.. Bitay sa 2 OFW na sangkot sa droga, binawi

ni Mylene Alfonso | June 25, 2023




Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pangulo ng United Arab Emirates na si Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan sa pagpapatawad sa tatlong nahatulang Pilipino, dalawa sa kanila ay nasa death row, na nagsisilbi na sa kanilang sentensya sa Emirate state.


Sa isang tawag sa telepono kay Sheikh Mohamed, nagpahayag ng pasasalamat si Marcos sa pagbigay ng kahilingang ginawa niya dalawang buwan na ang nakararaan.


Ibinalita ni Interior Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang balita kay P-BBM nitong Huwebes matapos makatanggap ng mensahe mula kay UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi.


“Good evening Secretary. I am pleased to inform you that the appeal of President Ferdinand Marcos, Jr. for three Filipinos, two of which are sentenced to death because of drug trafficking and 1 sentenced for 15 years for the crime of slander, has been granted for humanitarian pardon by our President H.H. Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan,” pahayag ng UAE Ambassador kay Abalos.


Sa dalawang magkahiwalay na liham noong Abril 27, hiniling ni Marcos kay Sheikh Mohamed na bigyan ng humanitarian pardon ang tatlong bilanggo na Pilipino.


Pinasalamatan din ni Marcos si Sheikh Mohamed sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilyang lumikas dahil sa pagputok ng Bulkang Mayon, kung saan nagpadala ang UAE ng 50 toneladang food supplies at gamot sa mga bakwit.


Sa kanyang bahagi, binanggit ni Sheikh Mohamed ang mahalagang kontribusyon ng humigit-kumulang 600,000 Pilipinong nagtatrabaho sa UAE.


Inulit din ni Sheikh Mohamed ang kanyang imbitasyon kay Marcos na dumalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre.


Ang imbitasyon ay unang ipinaabot kay Pangulong Marcos ni UAE Ambassador

Mohamed sa kanyang courtesy call sa Malacañang noong nakaraang linggo.


Sa kanyang panig, inimbitahan ni Marcos si Sheikh Mohamed na pumunta sa Pilipinas, na nagsasabing palaging malugod na tinatanggap ang pinuno ng UAE na pumunta sa bansa.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page