top of page
Search

Dahil sa kabalahuraan… KAMIKAZEE, PINALAYAS, 'DI NA PINAG-SHOW SA SORSOGON

BULGAR

ni Ambet Nabus @Let's See | October 03, 2023



Kinumpirma ng mga kapwa-Bicolano nating ka-BULGAR ang nangyaring pagpapalayas sa bandang Kamikazee last Sunday.


May ongoing festivities kasi ang probinsiya at isa nga ang bandang Kamikazee sa mga naimbitahang mag-perform du'n.


Ayon sa ating mga kausap, dapat daw ay sa Casiguran, Sorsogon opening kakanta ang banda nu'ng October 1, Sunday, alongside other bands like Imago at I Belong to the Zoo.


Pero may kung ano'ng "kabalahuraan" umanong ginawa ang ilang members ng band bago pa man sila makapag-perform.


Ang ending, nagalit daw si Gov. Edwin "Boboy" Hamor na agad nag-decide na pabalikin sa airport ang grupo at du'n na lang paghintayin ng susunod na available flight, which is Monday morning pa.


May whole month celebration ang Sorsogon province na Kasanggayahan Festival na ang formal opening ay sa Oct. 8 pa kung saan ang grupo ni Vice Ganda ang bibida.


Sinusubukan naming kontakin ang mga kakilala namin na may konek sa Kamikazee pero maging sila raw ay gulat na gulat sa balitang pagpapalayas sa mga ito.


Fully-paid ang banda kasama na ang airfare ng mga ito. Hindi na nga lang daw na-experience ng mga ito ang hotel accommodation na intended for "behave and decent folks," ayon pa sa mga kausap naming Uragon.


Parang first time naming nakarinig ng ganitong balita, huh! Abangan ang mga susunod na tsika!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page