ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 04, 2021
Sa isang panayam kay Klarisse sa Rise Artists Studio’s online show na #WeRiseTogether, sinabi niyang “It's a dream come true,” at naghintay siya ng ilang taon para makasungkit ng champion’s trophy gaya ng kanyang napanalunan sa YFSF.
“Sobrang tagal ko na rin na parang sana, one day na makakagawa din ako ng trophy, champion. Siyempre, nag-The Voice ako, nag-We Love OPM, and palagi akong hindi pinapalad sa finals. Ito, sobrang ‘di ako makapaniwala na nagka-title na ako sa isang show,” kanyang pahayag.
Sa YFSF, marami raw siyang ginawa na never niyang nagawa before.
“I’ve learned a lot of things sa Your Face Sounds Familiar kasi talagang na-push akong sumayaw, umarte sa stage. Ayun ‘yung mga iniisip ko nu’ng una, eh. Parang sabi ko nu’ng una, ‘Kaya ko ba?’ Siyempre, mag-o-audition din kami para maging performer. Siyempre napapanood ko before, sumasayaw,” aniya.
Itinodo na raw niya ang kanyang nalalaman, not to hold back and to level-up as a performer.
“Natutunan ko na lumabas sa shell ko, ipakita ang totoong Klarisse sa Your Face, kasi ru’n naipapakita ko na makulit (ako). Ayun nga, na huwag kang matakot, don’t hold back and mag-level-up.”
Ibang-iba raw ang ginawa niya sa YFSF dahil tatlong artists ang kailangan nilang gayahin every taping mula nang mag-pandemic.
At ang mga pinagdaanan ni Klarisse during competition?
“Three days na sunud-sunod ‘yun. Kunwari, tapos na kami sa isang artist, ‘di pa kami nakakahinga nu’n kasi bukas ulit. Tapos bukas ulit. So, ganu’n ‘yung challenge talaga.
"(Talagang) Nakaka-drain siya. Pero somehow, natsa-challenge mo ‘yung sarili mo. And ang sarap sa feeling na ikaw mananalo that week.
“Oh, my God. Kahit mahirap, ‘di ba worth it naman ang natutunan ko and sobrang worth it naman ang mga ginawa ko sa Your Face Sounds Familiar. Kaya sobrang thankful ako sa show na ‘yan. And ang pagkakaibigan talaga naming mga performers, sobrang saya talaga and enjoy lang. Kung manalo man, eh, di bonus na lang ‘yun,” masaya niyang pahayag.
Comments