ni Jasmin Joy Evangelista | September 5, 2021
Nasa 70% umano ang ibinaba ng bilang ng mga biyaherong banyaga sa bansa dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant, ayon sa Bureau of Immigration.
"Definitely po mababa ngayon ang number of travelers, nakita naman natin entire pandemic period halos 70 percent ang binaba ng mga pumapasok - lalo na siguro sa pag-usbong ng Delta variant," ani Sandoval sa public press briefing nitong Sabado.
Kahapon ay ini-lift na ni Pangulong Duterte ang travel ban sa 10 bansa na epektibo simula Setyembre 6.
Kabilang dito ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia, at Thailand.
Samantala, dati nang sinabi ng Malacañang na hindi sakop ng travel ban ang mga Pilipinong parte ng repatriation at special commercial flights.
Comentarios