top of page
Search

Dahil sa delay, stand ni SP Chiz sa impeachment kay VP Sara, alam na!

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 23, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

STAND NI SP ESCUDERO SA IMPEACHMENT KAY VP SARA, ALAM NA? -- Nanawagan noong December 3, 2024 si Senate President Chiz Escudero sa mga kapwa niya senador na huwag magbigay ng anumang opinyon sa mga posibleng ihaing impeachment complaints kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio para mapanatili raw ang integridad ng Senado na tatayong impeachment court.


Ito na ang siste, nang iakyat na ng Kamara sa Senado ang impeachment complaints laban kay VP Sara ay hindi agad ito inaksyunan ni SP Escudero, at sa halip nagpalabas ng statement na huwag daw silang madaliin sa isyung ito at saka sinabing after na ng State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa July 2025 didinggin ang mga impeachment case laban sa bise presidente.


Hindi man nagbigay ng opinyon si SP Escudero kung “yes” or “no” siya sa impeachment kay VP Sara, dahil sa pag-delay o tagal bago ito aksyunan ng Senado ay alam na kung ano ang stand ng Senate president sa isyung ito, period!


XXX


PAKINGGAN KAYA NI VP SARA ANG PANAWAGAN NI ENRILE NA MAG-RESIGN NA LANG SIYA SA PAGKA-VP PARA PUWEDE PANG KUMANDIDATO SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION? -- May panawagan si Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile kay VP Sara na kung nais nitong kumandidatong presidente sa 2028 ay mas mainam daw na mag-resign na lang ito sa pagka-bise presidente kesa i-impeach ng mga senador na tatayong mahistrado ng impeachment court.


Paliwanag kasi ni Enrile na kapag na-impeach si VP Sara ay hindi na ito puwedeng humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan at hindi na rin ito puwedeng kumandidato, pero kung magri-resign sa pagka-VP ay puwede pa itong kumandidato sa 2028 presidential election.


Pakinggan naman kaya ni VP Sara ang panawagang ito sa kanya ni Enrile? Abangan!


XXX


KAPAG SINUNOD NG MGA BOTANTE ANG PANAWAGAN NG COMELEC, MALAMANG WALANG MANALO ISA MAN SA MGA KANDIDATO NA ANG PUHUNAN SA ELEKSYON SIKAT NA APELYIDO --Nanawagan si Comelec Chairman George Garcia sa publiko na tingnan ng mga botante ang qualification at stand ng mga kandidato sa mga pangunahing isyung panlipunan at huwag bumase sa personalidad o popularidad ng mga kandidato.


Kapag pinakinggan ng mga botante ang panawagang ito ni Comelec Chairman Garcia, malamang ay walang manalo isa man sa mga kandidato na ang ginawang puhunan sa pagkandidato ay mga sikat nilang apelyido, boom!


XXX


KAY PBBM MAGBU-BOOMERANG KAPAG HINDI PINANGALANAN NG DA SINO ANG NASA LIKOD NG MGA IBINEBENTANG BIGAS NA MAY BUKBOK SA MGA KADIWA STORE -- Itinanggi ni Sec. Francisco Tiu Laurel ng Dept. of Agriculture (DA) na sa kanila nagmula ang mga bigas na may bukbok na ibinebenta ng mura sa mga Kadiwa store.


Kung hindi ito galing sa DA, dapat magsagawa ng masusing imbestigasyon dito ang mga otoridad at kapag nalaman kung sino ang nasa likod ng pagbebenta ng mga bigas na may bukbok ay dapat pangalan sa publiko, kasi kung hindi ito papangalanan, tiyak kay PBBM ito magbu-boomerang, period!


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page