ni Lolet Abania | May 15, 2022
Magkabukod na ipoproklama ang mga nagwaging 12 senador at party-list groups upang panatilihin ang public health standards sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa ginanap na press briefing ngayong Linggo, sinabi ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco na ang poll body, nagsisilbi ring National Board of Canvassers (NBOC), na hiwalay ang proklamasyon ng inisyal na party-list groups na nakaabot sa 2% threshold ng kabuuang bilang ng mga party-list votes.
“In order to maintain minimum public health standards we have to separate ‘yung proclamations ng senators and party-lists. So we really have to separate the party-lists,” ani Laudiangco.
“Then again ‘yung party-list po dahil sa completion ng total party-list votes we are entertaining the possibility of proclaiming top-tier party-list meaning ‘yung matataas po na nakakuha ng boto na hindi na maaaring maapektuhan doon sa distribution and application of the formula nu’ng hindi pa dumarating na partylist votes. Total number of partylist votes is really the basis,” dagdag ng opisyal.
Una nang inihayag ni Laudiangco na ang mga ipoproklamang senador ay mayroong tatlong kasama habang sa mga party-list groups ay limitado sa dalawa.
Ayon sa Comelec, target nilang iproklama ang lahat ng 12 naihalal na senador at partial winning party-list groups para sa Halalan 2022 sa Martes, Mayo 17 o Miyerkules, Mayo 18. Ang aktor na si Robin Padilla ang nangunguna pa rin sa 2022 senatorial elections base sa partial at official canvassing results sa 17 rehiyon at overseas voting na ini-release ng NBOC nitong Biyernes na may 23,908,730 votes.
Tinataya namang siyam na party-list groups ang naka-secure ng seats sa House of Representatives base rin sa partial at official tally ng Comelec nitong Huwebes. Ayon sa NBOC, ang ACT-CIS na may 2,065,408 (5.8270) votes at 1-Rider Partylist na may 988,435 (2.7886) votes ang nangunguna sa party-list race base sa latest partial at official canvassing results nitong Sabado Saturda
Comments