ni BRT | July 2, 2023
Nasa 40 lugar sa Pilipinas ang tinukoy ng Climate Change Commission at Department of the Interior and Local Government na nasa "most risk areas" dahil sa climate change.
Ayon kay CCC Commissioner Robert Borje, mas makabubuting hindi na muna ibunyag ang 40 lugar dahil may ginagawa ng whole of government approach para matugunan ito.
Labis umanong nakaaalarma ang climate crisis hindi lamang sa 'Pinas kundi maging sa buong mundo, kung saan buhay na ng tao ang nakataya.
Kaya ani Borje, mahalaga na matugunan agad ang problema.
May mga programa na rin naman aniya na ginagawa ang gobyerno tulad ng pagtatanim ng puno at iba pa.
Comments