top of page
Search

Dahil sa cheating… MARIS AT ANTHONY, TINANGGAL SA POSTER NG MOVIE NI VICE, IBINALIK NA NGAYON

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 15, 2024



Photo: And The Bread Winner Is poster


Dahil sa kontrobersiyang “cheating” na kinasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings ay wala sila sa poster ng And The Breadwinner Is (ATBWI) nu’ng presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ni Vice Ganda. 


Sa pinakabagong post ng ABS-CBN Film Productions, mapapansing kasama na muli sina Maris at Anthony sa poster. 


Bago pa man sumiklab ang umano’y mga naging pasabog ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jam Villanueva, nagawa pa nina Maris at Anthony na makapag-promote kasama si Vice at iba pang cast ng ATBWI. Nawala ang MaThon sa mga posters ng nasabing MMFF movie ni Vice dahil sa kontrobersiya ng cheating.


Ang tanong ngayon, sasakay ba sa float ang MaThon kapag nag-Parade of Stars na ang sampung MMFF entries?


 

Nanalo sa boxing… UNANG TSEKENG IBINAYAD KAY PACQUIAO, NA KAY BOSS TOYO




Nag-caroling ang Philippine Movie Press Club (PMPC) kay Boss Toyo, ang content creator, well-known vlogger-influencer.


Nakatsikahan namin siya tungkol sa koleksiyon niya ng mga antigong gamit ng mga celebrities. Napag-alaman naming dating galing din sa wala si Boss Toyo na taga-Tondo.


Marami siyang pinagdaanang hirap bago nakarating sa kanyang kinalalagyan ngayon. Lahat daw ay ginawa niya kahit ano’ng hirap para maabot ang kanyang dreams.


Nag-umpisa raw mabago ang kanyang buhay noong pandemic. Dahil isa rin daw siyang fan, nagkaroon siya ng idea na mangolekta ng mga antigong gamit ng mga artista.


Sey niya, “I’m a fan ng mga artista noon like sina Rica Peralejo, ang mga sikat na Viva Hot Babes, etc..


“Naisip ko na ganitong content ng pagba-vlog ang ginawa ko dahil ginaya ko ‘yung sa abroad na nagswak naman at nagustuhan ng mga netizens.”


Nang kumikita na sa pagba-vlog si Boss Toyo ay nagtayo na siya ng business at isa nga rito ang Pinoy Stars Pawnshop. Sa store ni Boss Toyo ay matatagpuan ang mga collector’s item niya galing sa mga artista, tulad ng tropeo na napanalunan ni Niño Muhlach nu’ng bata pa ito.


Aniya, “Hindi naman kailangan ni Niño ang pera dahil may negosyo rin s’ya. Ibinenta n’ya ang trophy para raw maalagaan dahil baka raw kasi pagdating ng araw ay maisantabi na lang ito.”


“Alam naman nating sikat na sikat si Niño noong bata pa s’ya at s’ya ang Wonder Boy ng mga artista.”


Nakuha rin niya ang Urian trophy ni Jiro Manio.


“Alam naman natin ang pinagdaanan n’ya, ‘di ba?”


Maging ang tsekeng unang ibinayad ng Regal noon kay Jiro ay makikitang naka-display din sa shop niya, katabi ang tseke ni Manny Pacquiao na una ring bayad sa kanyang pagboboksing.


Ani Boss Toyo, “Ay, very proud tayong mga Pinoy na nagmula sa atin ang 8th time world champion.”


Parehong naka-laminate ang tseke nina Pacquiao at Jiro.


Naikuwento rin ni Boss Toyo na ang personalized shoes ni Pacquiao mula sa Nike ay nasa kanya na rin.


Nandu’n din ang mga manika ni Superstar Nora Aunor, katabi ang lumang larawan ng Star for All Seasons Vilma Santos.


Kamakailan lang ay nabalitang pumunta sa shop ni Boss Toyo si Ate Guy, kung saan ay ibinebenta raw nito ang kanyang mga damit.


Paliwanag niya, “Totoo, nandito si Ate Guy. Pero hindi n’ya ibinenta, humingi lang s’ya ng tulong para sa mga nabiktima ng bagyo sa Bicol nitong nakaraang disaster.”


Pati ang controversial t-shirt ni Francis M ay naka-display din doon.


Aniya, dinala ni Pia Magalona, misis ni Francis M, ang t-shirt ng rap singer para makatulong sa kaibigan nilang si Gab na miyembro ng bandang Parokya ni Edgar.


Ang isa pang t-shirt ni Francis M na galing naman umano sa ‘other woman’ ng rapper ay naka-display din doon. May dedication pa ang nasabing t-shirt at pirmado ng girl.


Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye si Boss Toyo, respeto na rin daw sa namayapang rapper.


May mga lumang larawan din ang dating pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos, mga larawan ng First Family na dinala raw sa kanya ng isa sa mga sumusuporta sa pamilya Marcos.


Pag-amin niya, “Sa totoo lang, nang dinala sa ‘kin ang mga ‘yan, tuwang-tuwa ako kasi I am forever Marcos loyalist noon pa mang kabataan ko.


“Very vocal ako sa pagsasabi ng aking opinyon at talagang full support ako sa kanila.”

Naikuwento niyang pumunta na rin sa kanyang shop si Sen. Imee Marcos at nagbenta sa kanya ng lumang shoes nito.


Biniro pa nga namin si Boss Toyo, “Ay, nagbenta s’ya ng sapatos ni Madam Imelda, hindi sapatos mismo ni Imee?”


Pinirmahan ng senadora ang luma nilang larawan ng kanilang pamilya.


Aniya, “Kulang na lang ay ang pirma ni BBM para makumpleto na ang kasiyahan ko.”

Hindi ibinebenta ni Boss Toyo ang mga gamit ng celebrities.


“Ilalagay ko ang lahat ng mga ‘yan sa isang museum na malapit nang matapos. Doon lahat makikita ang mga collection mula sa iba’t ibang artista at mga prominenteng tao,” pagtatapos ni Boss Toyo.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page