ni Lolet Abania | July 13, 2022
Dalawang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang na-relieve sa posisyon dahil umano sa kanilang “attitude.”
Hindi binanggit ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ang pangalan ng mga empleyado subalit aniya, mula ang mga ito sa DSWD office sa Ninoy Aquino International Airport at sa opisina ng Tagbilaran City.
Ayon kay Tulfo, ang dalawa ay inalis o na-relieve sa puwesto dahil sa kanilang “attitude.”
“Common kasi in a government agency, hindi naman lahat ng employees namin, pero karamihan are professionals, they come in at 8 o’clock, they work until 4 o’clock,” pahayag ni Tulfo sa isang interview ngayong Miyerkules.
“Unfortunately, may iilan na they will just come in, 8 to 4, then punched in, hintayin lang ‘yung punch out ng 4 o’clock then may sinasabi because of stress daw dealing with these people, the elderly, and the poor, nakukulitan na so medyo hindi na maganda ‘yung kanilang pakikitungo o attitude,” saad pa ni Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na ang na-relieve na empleyado mula sa Tagbilaran City ay naka-assign sa complaints o grievances section ng opisina.
“’Yung sa Tagbilaran naman very unfortunate, she’s in our complaints section, tumatanggap ng reklamo tapos ganoon ang attitude...” ani Tulfo.
Kaugnay nito, nagbabala naman si Tulfo sa limang hotline operators na umano’y hindi tumatanggap ng mga tawag.
Sa ngayon, abala ang kalihim na i-check kung may sapat na food packs bilang paghahanda sa gitna ng typhoon season.
Aniya, sa mga susunod na linggo, kakausapin niya ang mga regional directors upang i-address ang mga isyu hinggil sa mga pag-uugali o attitude ng mga empleyado.
Comments