ni Julie Bonifacio @Winner | December 23, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_b9fa3ee66d2347a39ef0eb775b762350~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_b9fa3ee66d2347a39ef0eb775b762350~mv2.jpg)
Paskung-pasko, panay ang hugot ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang social media accounts. Sunud-sunod ang emote niya mapa-personal life man o sa kanyang career.
Pati ang poster ng una at huling pelikula niya sa iconic director na si Lino Brocka, ang Pasan Ko Ang Daigdig ay ini-relate ni Mega sa pinagdaraanan niya ngayon.
Tila pasan daw niya ang daigdig sa mga problemang kinasusuungan niya ngayon.
But what caught our attention ay ang isang post ni Mega kung saan hinahanap niya ang kanyang only brother na si Cesar Chet Cuneta. At dahil sa post ni Sharon ay nalaman ng public na tatlong taon na silang di nagkikita ni Chet. Ni hindi rin daw nagri-reach out kay Mega ang kanyang Kuya Chet.
Kung matatandaan, tumakbo bilang mayor ng Pasay si Chet noong 2019 at ikinampanya siya ni Sharon. But sad to say, di nanalo ang nakatatandang kapatid ni Mega.
Tila nagsimula ang tampuhan ng magkapatid after election.
Muli naming hinanap ang post ni Sharon regarding her brother, pero di na namin makita sa socmed ang panawagan ni Mega sa kanyang Kuya Chet.
Sa post ni Mega ay mababanaag ang pagpapakumbaba niya sa kanyang Kuya Chet at sabi niya sa kanyang post, I was wronged.
Kababasa ng mga comments ng netizens sa FB post ay may nag-comment ng ganito, Totoo pala 'yung dati na napanood ko asawa ng Kuya mo 'yung nag-ano sa mga alahas mo? Btw, life is short. Dapat 'di madamay pagkakapatid n'yong dalawa. Please go home na Kuya, your baby sister needs you."
May kinalaman kaya ang comment ng netizen tungkol sa mga alahas ni Mega na na-ano raw ng misis ni Chet sa statement ng aktres na siya ang ginawan ng pagkakamali?
And if true na na-ano ng misis ni Chet ang mga alahas ni Mega, ito rin kaya ang dahilan ng tampuhan ng magkapatid?
Comments