ni Lolet Abania | July 29, 2021
Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Huwebes ang alarma sa posibleng tsunami sa 'Pinas matapos ang magnitude 8.2 lindol na tumama sa Chignik, Alaska.
“An earthquake of this size has the potential to generate a destructive tsunami that can strike coastlines in the region near the epicenter within minutes to hours,” pahayag ng PHIVOLCS.
Ayon sa PHIVOLCS, sa ngayon, wala pang isinasagawang paglikas sa mga lugar sa bansa. Gayunman, pinayuhan ng ahensiya na patuloy na mag-monitor ang mga probinsiya gaya ng Batanes Group of Islands, Albay, Surigao del Sur, Cagayan, Catanduanes, Davao Oriental, Ilocos Norte, Sorsogon, Davao De Oro, Isabela, Eastern Samar, Davao del Norte, Quezon, Northern Samar, Davao del Sur, Aurora, Leyte, Davao Occidental, Camarines Norte, Southern Leyte, Camarines Sur, Surigao del Norte.
Samantala, naitala ng U.S. Geological Survey (USGS) ang lindol sa Alaska na nasa magnitude 8.2, na may lalim na 35 km.
Ang U.S. Tsunami Warning System ay nakapagtala naman ng pagyanig ng magnitude 8.1, at ang European-Mediterranean Seismological Centre (EMSC), naitala ang lindol na magnitude 8.0 na may lalim na 10 km.
Kommentare