ni: Lolet Abania | April 18, 2022
SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng levels sa mga pampublikong paaralan mula Mayo 2 hanggang 13 dahil sa mga aktibidad kaugnay sa May 9 National Elections, ayon sa Department of Education (DepEd) ngayong Lunes.
Ang suspensiyon ng mga klase ay batay sa DepEd Order No. 29 na inisyu noong Agosto 5, 2021. Walang pasok ang mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 12 sa lahat ng mga public schools sa bansa.
“Ayon ito sa DepEd Order No. 29, s. 2021, na naglalaan sa mga nasabing araw para sa National Election-related Activities ng mga guro at kawani ng DepEd,” pahayag ng DepEd.
“Ang mga guro ay inaasahan pa ring mag-report sa kanilang paaralan sa mga araw na walang election-related duties o activities.”
Commenti