top of page
Search

Dahil pasok sa survey… WILLIE, DEDMA SA BASHERS

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Feb. 26, 2025



Photo: Willie Revillame - Wil to Win


Twenty-seven years nang TV host si Willie Revillame. Narating niya ang peak ng kanyang career dahil sa mga game shows niya sa telebisyon. 


Halos naikot na ni Willie ang malalaking networks tulad ng ABS-CBN, GMA-7 at TV5 kung saan umere ang kanyang mga shows. Short-lived din ang nangyari sa programa niya sa AllTV Network ni Manny Villar. 


Nagsimula si Revillame sa Wowowin, Willing Willie, Wowowillie, at Wil To Win. Milyun-milyon ang sumuporta sa mga shows ni Revillame. Naging trademark niya ang pamimigay ng jackets at cash prizes. 


Pero, hindi naging madali kay Willie Revillame ang magdesisyon kung papasukin niya ang political arena. At nang kinumpirma na niya ang pagtakbong senador sa darating na midterm election sa Mayo, binugbog na siya ng panlalait ng mga bashers. Wala naman daw siyang solidong plataporma na inilatag na kanyang gagawin kapag siya ay nanalong senador. 


Sa kabila nito, marami pa rin ang nagtitiwala kay Revillame at pasok siya sa Top 13 senatoriables.


Kaya ngayon ay pinaghandaan na ni Revillame ang bawat rally na kanyang pinupuntahan at dedma lang sa mga bashers.


Dalawang essential na bagay ang gustong tutukan ni Willie Revillame, ito ay ang libreng edukasyon at ang kalusugan ng mahihirap nating mga kababayan. Let's see kung lulusot si Willie Revillame sa Senado.


 

Madlang pipol, shocked! 

TONI, IKINUMPARA SA PANTY ANG PRIDE



MARAMI ang na-shock kay Toni Gonzaga sa isang vlog na ginawa niya kasama ang kanyang mister na si Paul Soriano, ang kapatid na si Alex Gonzaga at mister nitong si Mikee Morada. 


Ang topic nila sa nasabing vlog ay tungkol sa pride na pinaiiral ng magkarelasyon o mag-asawa.


Sey ni Toni, “Ang pride, para ‘yang panty na ‘pag hindi mo ibinaba, walang mangyayari!”

Well, coming from Toni Gonzaga na kilala ng lahat na prim and proper bilang TV host at lumaki sa old school values, it’s a shocking statement. Kami nga mismo ay medyo nagulat at hindi makapaniwala na napakakaswal lang na nabanggit ‘yun ni Toni. 


Samantala, nakakatuwa naman ang sagot ni Alex Gonzaga na, “Kaya nga kami ni Mikee, hindi na nagpa-panty!” at nauwi na lang sa tawanan ang pag-uusap ng couples na sina Toni at Paul, Alex at Mikee. 


Sey naman ng mga netizens, walang dapat na ipagtaka ang mga fans/followers nina Toni at Alex  dahil pareho na silang mature at may asawa na. Nagpakatotoo lang sila sa kaganapan ng buhay-may-asawa.


 

NAGPAPASALAMAT si Richard Gutierrez sa kanyang dad, ang dating matinee idol na si Eddie Gutierrez, sa mga advice nito na makakatulong sa kanyang career as an actor. 


Dati-rati, medyo aloof at hindi malapit sa mga fans si Richard. Hindi niya gaanong ine-entertain ang mga fans na nagpapa-picture sa kanya kapag may mga events o ‘pag nasa mall show siya. Kabaligtaran ito ng ugali ng kanyang dad na si Eddie G. na ang bait-bait at napaka-humble. Kahit sinong fans - bata man o matanda - na gustong makipagkamay at magpa-picture ay pinagbibigyan ni Eddie Gutierrez.


Bilin pa ng kanyang dad kay Richard, dapat na mahalin ang mga fans dahil ang mga ito ang nakakatuwang upang magtagal ang showbiz career nito. Huwag daw balewalain ang mga fans na umiidolo sa kanya. 


Kaya naman ngayon ay nagri-reach out na si Richard sa kanyang mga tagahanga at pinagbibigyan ang mga gustong magpa-picture sa kanya, hindi na mai-intimidate ang mga fans na lumapit sa aktor. 


Samantala, tanggap na ni Richard ang sitwasyon nila ng kanyang ex-wife na si Sarah Lahbati. Hindi siya nakakalimot sa kanyang obligasyon sa dalawa nilang anak. Okay ang kanilang co-parenting agreement sa dalawang bata.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page