ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 26, 2025
Kinagiliwan ang repartee nina Alden Richards at Kim Chiu nang mag-host sa katatapos na PMPC Star Awards.
Kampante raw ang dalawa kahit noon lang nagkasamang mag-host, nagbibiruan at para raw matagal nang magkakilala.
Maaaring sa Star Awards lang nakitang first time nag-host sina Alden at Kim nang magkasama, pero, matagal na silang magkaibigan at ‘yun ay dahil kay Paulo Avelino.
Nayaya ni Paulo si Kim na sa gym na pinupuntahan nila ni Alden mag-workout, na ginawa naman nito. Kaya, hindi na lang sina Paulo at Kim ang gym buddies, pati na sina Kim at Alden.
Nagkakasama ring tumakbo sina Paulo at Alden. Nayaya rin ni Alden sina Barbie Forteza at Kristoffer Martin.
Nang makita ng KimPau fans ang larawan ng apat after their run, umaasa silang makakasama ng mga ito sa pagtakbo si Kim at nangyari nga ang kanilang wish. Last Sunday, sama-samang tumakbo sa Sta. Rosa, Laguna sina Alden, Barbie, Paulo at Kim at pagkatapos tumakbo, nag-breakfast sila sa bahay nina Alden sa Nuvali, Sta. Rosa. Salu-salo sa isang boodle fight ang apat, pati ang gym buddies nila, kaya isa ‘yun sa pinakamasayang breakfast ng grupo.
Looking forward ang mga fans na tatakbo rin sina Paulo at Kim sa Lights, Camera, Run! Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino fundraising run organized by the Mowelfund. Isa si Alden sa mga punong-abala sa fundraising event bilang isa siya sa Board of Directors nito. Si Barbie, kinumpirma nang tatakbo at mas sasaya kung makakasama rin ang KimPau.
Patunay pa ng friendship nina Paulo at Alden ang pagpapa-block screening ni Alden ng movie nina Paulo at Kim na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD). Hindi pa man nangyayari, nagpapasalamat na ang KimPau fans sa suporta ni Alden sa dalawa at sa kanilang pelikula na simula na ng showing ngayong araw.
Kasama sa highlights of the week ni KC Concepcion ang pagde-design niya ng Avec Moi jewelry necklace for her mom Sharon Cuneta. Solid gold, diamonds at pink sapphires ang necklace na ginawa ni KC na siya ring may-ari ng handmade jewelry.
Natuwa ang mga fans nina Sharon at KC na finally, nagawan na rin ni KC ng necklace ang mom niya.
Sa isang post, nabanggit ni Sharon na nagpagawa nga siya ng necklace at waiting siya dahil marami raw nagpapagawa ng jewelry sa alaherang anak.
Kasama pa sa highlight ni KC ang “Cheering for the Borromeo bros playing La Salle ball.” Kahit walang binanggit na pangalan, alam ng mga fans na isa si Aly Borromeo sa mga tinukoy ni KC.
Wish ng mga fans na may picture sana ang dalawa at isinama ni KC si Aly sa kanyang post para mas masaya raw.
Na-miss ng mga fans ang ayuda mula kina KC at Aly, kaya pati ang binanggit ni KC na, “Coffee date with @a.borromeo,” inakalang date nila ‘yun ni Aly.
Pero, ang friend niyang si Annie Borromeo pala ang kanyang tinukoy, kaya nawala ang kilig ng mga fans.
Fans, todo-abang na…
VICE AT ION, MAGBEBENTA NG GAMIT
IKINATUWA ng mga fans ni Vice Ganda at ng mga fans nila ni Ion Perez ang announcement ng Unkabogable Star.
Sabi ni Vice, “May Garage Sale ako on Thursday-Sunday 10am to 6pm sa 33 Sct. Santiago Diliman, QC. Barangay Laging Handa- 1103.
“Waze pin: Siesta Horchata Cafe. Ion and I will be selling our preloved clothes and shoes. Meron ding mga brand new.”
Alam ng mga fans ang location ng garage sale nina Vice at Ion dahil ang fiancée ni Ryan Bang na si Paola Huyong ang may-ari nito. Nasa isang building lang ito ng Korean resto ni Ryan at madaling puntahan.
Excited ang mga fans nang mabasa ang announcement na ito ni Vice at may nag-worry na sa security. Pinayuhan ang dalawa na makipag-usap sa barangay para ma-assist sila sa security dahil siguradong marami ang pupunta. For sure, aasikasuhin ito nina Vice at Ion.
Ang wish naman ng ibang fans, maging affordable ang pre-loved items na ipapa-garage sale nina Vice at Ion para raw makabili sila. Nakakatuwa nga, may nagtanong kay Vice kung ano ang size ng shoes na ibebenta nila para nga naman mapaghandaan.
Pinaaabangan sa mga fans ang next announcement na tungkol siguro sa prices ng items at kasama na ang mga sizes ng shoes at pati siguro mga t-shirts.
Comments