ni Ambet Nabus @Let's See | January 24, 2023

Well, masasabi nga naming mas "rater" si Meme Vice Ganda kumpara kay Coco Martin.
Sa ikalawang episode kasi ng Iskovery Night channel at show ni Yorme Isko Moreno na si Vice Ganda ang guest, mabilis umabot sa 400K plus views in just one day ang episode nito, habang nasa 700K plus views naman 'yung pilot episode ni Coco Martin na tumatakbo na ng eight days.
As a host, puwede talagang makipag-compete sa galing sa kudaan si Yorme kina Kuya Boy Abunda, 'Nay Cristy Fermin o Kris Aquino.
Mabilis itong pumik-ap at very relatable ang bawat usapan nila ng guest na parang natural na nagkukuwentuhan lang. Nakakaaliw ang lengguwaheng ginagamit at mas feel mong komportableng-komportable ang host at guest.
Matagal na naming hindi nakikitang humahalakhak nang wagas si Coco, pero sa pilot episode ay muling lumabas ang pagkakengkoy nito. Akala nga namin ay magkukuwento na ito ng pagiging "tatay" niya, hahaha!
Habang si Vice naman ay parang sinapian ng kung ano sa tikas din nitong pumik-ap at ismarte nitong kumuda sa mga challenges na ibinigay sa kanya.
And yes, sobrang ganda ng ilaw at sound, ng set at ng total look ng studio ng Iskovery Night sa YouTube channel.
Comments