ni Justine Daguno - @Life and Style | December 3, 2020
Habang papalapit nang papalapit ang Pasko ay mas feel na feel na nga natin ito. Mula sa mas lumalamig na simoy ng hangin hanggang sa mga pailaw na kaliwa’t kanan nating nakikita, lalo na sa gabi.
At sa kabila ng sunud-sunod na problema na nangyari ngayong taon dulot ng pandemya, mga sakuna at iba pang personal struggle, ‘ika nga ay tuloy na tuloy pa rin ang most awaited season ng taon.
Tunay na sinubok ang ating katatagan sa taong ito, kaya naman deserve nating makatanggap ng regalo — na mula rin sa atin mismo. Well, narito ang ilan sa mga best gifts to give yourself this season:
RELO. Isa ito sa mga pinaka-useful na gamit sa araw-araw lalo pa’t habang tumatagal ay dumarami ang ating mga pinagkakaabalahan. Bawal ma-late sa deadline o usapan kaya dapat namo-monitor ang bawat minuto. Isa pa, ang relo ay sumisimbolo sa oras. Pinatunayan ng mga nakalipas na buwan na sobrang mahalaga ang pagkakaroon ng oras sa sarili. Malaki ang benepisyo nito sa lahat ng ating aspeto — pisikal, emosyunal, mental at espiritwal.
PAYONG. Tulad ng relo, kapaki-pakinabang din ang umbrella o payong dahil maulan man o mainit ay puwede itong magamit. Mahirap magkasakit lalo pa’t napakahirap talaga ng buhay ngayon. Sa pabagu-bago nating panahon ngayon, kailangan palagi tayong handa.
BAGONG DAMIT. Tuwing Pasko, hindi nawawala ang mga bagong kasuotan na uso man o hindi, basta swak sa personal taste mo, eh, oks na. Hindi mahalaga kung mamahalin ang iyong damit na bibilhin, kung kaya mo itong dalhin at komportable ka, walang kaso, go!
SAPATOS. Dahil unti-unti nang lumuluwag ang mga health protocols, kapag may time at chance ay puwede nang gumala. Paniguradong magagamit natin ito kaya dapat ang bibilhin ay ‘yung may quality na. Mataas man ang presyo ay matagal naman itong magagamit dahil hindi papalit-palit. Kung may sapatos ka na matagal nang gustong iregalo sa sarili, it’s time na para bilhin ito.
BAG. Isa pang best gift ang bag, estudyante man o working ay siguradong oks itong gamitin. Maraming variety na puwedeng makita sa internet at meron din sa mga mall. Piliin ang sakto sa personality at pangangailangan.
Maraming puwedeng maging importante sa ating buhay, pero dapat palagi pa rin isama sa mga priorities ang sarili. Mamahalin man o pang-masa ang presyo ng regalo na bibilhin para sa sarili, oks na oks lang ito. Okiee?
Comments