top of page
Search
BULGAR

Dagdag-suporta sa mga atletang Pinoy!

@Editorial | July 28, 2021



Gumawa ng kasaysayan noong Lunes ang atletang si Hidilyn Diaz nang kanyang masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics para sa weightlifting.


Tinalo ni Diaz ang 8 ibang atleta para sa kategorya, kabilang ang world record holder na si Liao Qiuyun ng China. Ito na ang ikalawang Olympic medal ni Diaz matapos ang kanyang silver finish sa 2016 Olympics sa Brazil.


Halos 100 taon na mula nang lumahok ang Pilipinas sa Olympics subalit, ngayon lamang nakapag-uwi ng ginto ang isang atletang Pinoy.


Kaya todo-puri ang mga Pinoy sa kahusayan ni Diaz.


Kaugnay nito, dahil sa parangal na ibinigay sa bansa sa pagkakapanalo niya ng unang Olympic gold medal para sa ‘Pinas, hiniling ng ilang mambabatas na bigyan ng komendasyon si Diaz.


Masasabing ang kanyang tagumpay ay nakadagdag ng saya at positibong pananaw sa gitna ng pinagdaranang pandemya.


Hindi man natin batid ang eksaktong mga pinagdaanan ni Diaz bago nakamit ang gintong medalya, pinatunayan niyang anuman ang pagsubok, gaano man kalaki o kabigat, kayang lampasan at pagtagumpayan.


Hindi ito ang una at huling ginto na maiuuwi ng mga atletang Pinoy at umaasa tayong mas mabibigyan sila ng suporta ng ating gobyerno at ng mga indibidwal o grupo na may kakayahang magbigay.


Muli, congratulations sa ating PH Golden girl Hidilyn Diaz.


Hangad din natin ang tagumpay at kaligtasan para sa iba pang atleta na sasabak sa Olympics.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page