ni Lolet Abania | March 10, 2022
Inanunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco) ngayong Huwebes sa lahat ng kustomer ng kumpanya na magkakaroon ng pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Marso.
Ayon sa Meralco, nasa P0.0625 kada kilowatt-hour (kWh) ang dagdag-singil sa kuryente na aabot sa overall rate ngayong Marso ng P9.6467/kWh mula sa P9.5842/kWh ng Pebrero.
Batay sa kumpanya, katumbas ito ng P13 taas para sa mga residential customers na kumokonsumo ng 200 kwh, P19 sa nagkokonsumo naman ng 300 kwh, P25 para sa kumokonsumo ng 400 kwh, at P31 sa nagkokonsumo ng 500 kwh.
“Despite improvement of supply conditions in the Luzon grid, WESM (Wholesale Electricity Spot Market) prices remained elevated in February and the secondary price cap was imposed 5.63% of the time,” pahayag ng Meralco.
“With the increase in demand and the scheduled maintenance outage of Quezon Power and First Gas-San Lorenzo plants, Meralco sourced additional supply from the WESM in the February supply month. As a result, WESM charges increased by P13.4211/kWh,” dagdag ng power distributor.
Ang nakatakdang pagtaas ng singil sa kuryente ay dahil na rin sa pagsipa ng presyo ng coal at produktong petrolyo, ayon sa Meralco.
Comments